Ara Mina, ibinahagi ang kanilang masayang family photo

Bago ipinagtagpo ng tadhana ang aktres na si Ara Mina at ang businessman na si Dave Alminarez ay mayroon muna silang mga unang nakilala at nakasama. May mga una nang mga biyayang dumating sa kanikanilang mga buhay bago magtagpo ang dalawa.

Credit: @therealaramina instagram

Sa latest post ni Ara Mina, ibinahagi niya ang masayang family picture nila kung saan makikitang nagsama-sama ang kanilang mga anak sa kanilang mga previous relationships.
May caption ang post na “Mi Familia 🤍🤍🤍”. Ang mga pictures na ibinahagi ni Ara ay ang mga highlights sa kanilang mga post-wedding photographs.


Credit: @therealaramina instagram

Sa naganap na kasalan, hindi lamang partner in life ang kanilang nahanap at natanggap dahil nagkaroon rin sila ng Instant family na binubuo ng kanilang mga anak sa kanilang mga ex-partners.
May mga hashtags din ang post ng “#TeamDarve #TheAlmarinezFamily” Kasama ng mga newlyweds ang kanilang mga anak pati na rin ang kanilang mga stepchildren sa bawat isa.

Credit: @therealaramina instagram

Makikita sa unang picture na magkakasama sina Dave Alminarez, Ara Mina, at Amanda Gabriel na anak ni Ara Mina. Habang sa pangalawang picture naman ay mas makikita kung gaano na kalaki ang pamilya nila ngayon.

Credit: @therealaramina instagram

Si Amanda Gabriel na tinatawag nila sa nickname na “Mandy” ay anak ng aktres sa ex-partner niyang si Patrick Meneses na kasalukuyang Vice Mayor sa Bulakan, Bulacan. Maaalalang dumalo ito sa wedding ng dalawa at binati niya pa ang mga ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Instagram post na may picture nilang magkakasama. Mababasa rin naman sa caption ang message niya para sa dalawa.

Credit: @therealaramina instagram

Si Dave Alminarez naman ay may nauna na ring partner. Siya ay may tatlong anak sa kanyang previous relationship. Sila ay sina Kirsten, Klane, at Dave Theodore Jr. Si Klane umano ay stepdaughter niya rin sa dati niyang partner. Itinuri niya itong sarili niyang anak.

Credit: @therealaramina instagram

Ikinasal sina Ara Mina at Dave noong June 30 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel. Kitang-kita naman kung gaano kaganda ang simula ng bagong chapter ng kanilang buhay.

Credit: @therealaramina instagram

“The more the merrier” ang mga katagang nababagay sa nabuong pamilya. Siguradong masaya at maganda ang kanilang magiging relasyon sa bawat isa.

Credit: @therealaramina instagram