Ara Mina, pinaw0w ang mga netizen dahil sa kanilang magagandang litrato bago ang kanilang kasal

Sino nga ba naman ang hindi mamamangha sa mga napakagandang litrato ng Ang Probinsayo aktres na si Ara Mina. Pinost ng aktres na si Ara Mina ang kanyang prenup photos kasama ang kanyang non showbiz partner na si Dave Almarinez noong April 28, nitong Miyerkules.

Credit: Ara Mina instagram

Makikita sa Instagram account nito ang malaparaiso at napakagandang mga litrato ng kanilang prenup. Ito ay kuha sa Sunlight Eco Tourism Island Resort sa Culion, Palawa. Suot ni Ara Mina ang eleganteng puting gown habang ang kanyang fiancé naman ay nakasuot ng pink na coat.

Credit: Ara Mina instagram

“When a man truly loves a woman she becomes his we@kness. When a woman truly loves a man he becomes her strength. This is called exchanges of power,” ito ang caption ni Ara Mina sa kanyang Instagram post.

Credit: Ara Mina instagram

Ayon sa caption ng aktres, ang pag ibig ay may tinatawag na exchange of power. Ibig sabihin lamang nito na pag ang dalawa ay nagiibigan, ito ay magiging matagumpay na pagsasama dahil pinupunan ng isa ang pangangailangan ng isa. Ibinahagi din naman ng NicePrint Photography , ang kumuha ng kanilang litrato, ang mga iba pa nilang litrato. Makikita sa post na ito na nakasuot si Ara ng bikini.

Credit: Ara Mina instagram

Talaga nga namang parang nasa kabataan pa rin ang aktres sa kanyang mga litrato.Dalawang taon niiligawan ni Dave ang aktres.Na engage ang dalawa nitong Enero. Si Dave ay isang CEO ng Philippine International Trading Corporation . Nanungkulan din si Dave bilang boardmember sa lalawigan ng Laguna.


Credit: Ara Mina instagram

Binati ng mga netizens ang couple at nag bigay ng kanilang congratulatory messages. Ito ang kanilang mga mensahe. “A woman like you deserves to be loved, nurtured or pampered for that matter. God always gives you what you deserve. Any man is blessed to have a woman like you. 🌹🌹🌹❤️❤️❤️🙏🙏🙏. Congratulations!” “CONGRATULATIONS may God be the center of your marriage and forever bliss 🙏🏻❤️💙🌹👼🏻😇❤️❤️❤️”