Arjo Atayde, masayang nagdiwang ng kanyang ika-30 taong kaarawan kasama ang kanyang nobyang si Maine Mendoza

Nagdiwang ang sikat na aktor na si Arjo Atayde ng kaniyang ika-30 taon noong Nobyembre 4 ng kasalukuyang taon, kasama ng kaniyang pamilya at ng kaniyang kasintahan na isa ring sikat na artista na si Maine Mendoza.

Credit: Arjo Atayde instagram

Sa isang Intagram post ng ina ng aktor na si Sylvia Sanchez ay inupload ang larawan ng pamilya habang pinagdiriwang ang kaarawan ni Arjo.

“Masaya ako anak @arjoatayde kasi alam kong masayang masaya ka. Maligayang kaarawan sa ‘yo. Love you,” saad ng ina.

Credit: Arjo Atayde instagram

Kitang kita sa larawan na ang kaniyang girlfriend na si Maine Mendoza ay kasama na sa kaniyang pamilya.

Credit: Maine Mendoza instagram

Ang sikat na couple ay umamin na sila ay exclusively dating noong Enero sa taong 2019 at sa pagsapit ng Disyembre 2019 ay napatunatayan na nga na sila ay magkasintahang nang igreet nila ang isa’t isa sa kanilang first anniversary. Ang relasyon ng dalawa ay nagtagal na ng mahigit sa isang taon.

Credit: Maine Mendoza instagram

Sa isang panayam noong Pebrero ay sinabi ng aktor na si Arjo Atayde na nakikita na niya ang kaniyang sariling na makakasama na niya hanggang sa pagtanda ang kaniyang kasintahan na si Maine Mendoza.

Nang tinanong ang aktor kung napaguusapan na ba nila ng kaniyang nobya ang pagpapakasal o pagsesettle down at ito ang sagot ng aktor, “Of course”

Credit: Maine Mendoza instagram

Dagdag pa niya,
“Obviously, I’m of age already. Nothing to hide. Yes, we got to talk about it, so I said nga this is my love story, this is me, this is it for me, and you know we just have commitments and we still have things to do. And being here with each other throughout the years we just grow stronger. Eventually we’ll get there.”

 

View this post on Instagram

 

happy birthday ♡

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on


Sinabi rin ni Arjo na kung sila man ay magpapakasal ni Maine Mendoza ay mas gusto nilang maging pribado na lamang at ito ang sabi niya, “For myself, for my family, for everyone.”