Assunta De Rossi at anak nitong si Fiore, kinaaliwan ng mga netizen dahil sa kanilang twinning outfit

Karamihan sa mga personalidad sa industriya ng showbiz na nakilala sa mas naunang henerasyon ay ganap nang mga celebrity parents sa kasalukuyang henerasyon. Tulad na lamang ni Assunta de Rossi – Ledesma. Siya ay biniyayaan ng isang baby girl na hindi naman niya ipinalampas na ipagmalaki sa publiko. Gamit ang kaniyang social media ay ibinibida niya ang cuteness ng kanyang anak.

Credit: Sammy Whammy instagram

Sa latest post ni Assunta Ledesma sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang picture nilang magkasama ng anak. Makikita na ang “outfit of the day” o hashtag ootd ng mag-ina ay magkapareho. Ang kanilang matching outfit ay kulay yellow na may maraming maliliit na details.

Credit: Sammy Whammy instagram

May caption ang post na “Vintage 1960.”. Mukha nga namang nasa sinaunang panahon ang mag-ina dahil sa filter ng picture at pati na rin sa kanilang dress na suot. Karga- karga ni Assunta ang anak niya habang nakaupo sa sofa. Pareho namang nakangiti ang dalawa at nakaharap sa camera.

Credit: Sammy Whammy instagram

Makikita naman sa comment section ang comment ng mga personalidad sa industriya ng showbiz na sina Vina Morales at Alessandra de Rossi. Nag-iwan ng comment na emoji na may heart eyes si Vina habang si Alessandra naman ay nagcomment ng “Ahahaahahahaha! Cutest”.

Credit: Sammy Whammy instagram

Si Alessandra ay ang kapatid ni Assunta. Maaalalang sa interview noon, inilarawan ni Assunta si Alessandra na best auntie dahil sobra ito kung alagaan at pahalagahan ang baby girl nilang tinatawag nilang baby Fiore. Kung bibisitahin ang mga account ng magkapatid ay hindi mawawala ang picture ni baby Fiore. Laging ibinibida ng dalawa ang baby girl.

Credit: Sammy Whammy instagram

Si Giulia Fiorentina Alessandra Schiavone Ledesma o baby Fiore ay anak ni Assunta sa asawang si Jules Ledesma na isang byudo na may dalawang anak. Maaalalang taong 2004 nang ikasal sina Assunta at Jules ngunit taong 2020 lang nang sila ay mabiyayaan ng anak kaya naman si baby Fiore ay itinuturi nilang isang “miracle baby”.

Credit: Sammy Whammy instagram

Naging matagal ang paghihintay para sa biyayang ito dahil sa mga nabanggit noon ni Assunta na mga complicati0ns niya na ginawang mas komplikad0 ang pagkakaroon ng supling.

Credit: Sammy Whammy instagram

Kaya ang pangyayaring ito ay isang surprise at milagro para sa mag-asawa at mga taong malalapit sa kanila. Ini-welcome ang first-born child ng mag-asawa noong October 24, 2020 kaya naman nasabi ng dalawa na napa-aga ang kanilang pasko sa taong iyon.
Ngayon ay 9-months old na si Baby Fiore.