Isa sa mga ma!nit na balita sa industriya ng showbiz ay kung kamusta buhay pag-ibig ng isa sa mga sikat na Filipino Journalist at ito ay si Alfonso Tomas Pagaduan Araullo na mas kilalang Atom Araullo.
Credit: @zenhernandez Instagram
Sa kadahilang si Atom ay nagpost ng kanilang larawan ni Zen Hernandez ang isa sa mga anchor ng TV Patrol noong kanyang kaarawan nito lamang Oktubre 04.2022 sa instagram na may 40,677 ng likes mula sa mga viewers, makikita rito sa larawan ang kanilang masayang mga mata, malalaking ngiti sa kanilang mga labi at nakakagiliw na kuha at nakakatuwang “caption” ni Atom sa larawan kaya ganun na lamang ang kilig at tuwa ng mga netizen dito.
Credit: @zenhernandez Instagram
Nakilala ang dalawa bilang mahusay na tagabalita. Marami sa mga netizen ang nagkomento na maaaring si Zen ang rum0red girlfriend ni Atom dahil parehas nga naman silang “single”.
Credit: @atomaraullo Instagram
Karamihan sa kanilang mga kaibigan at mga nakasama sa trabaho ay nagkomento sa post na iyon ito ay sina Karen Davila “Happy Birthday @zenhernandez! Cute nyo!”, Steve Dailisan “Happiest birthday @zenhernandez ❤️ ayie papi!” at Gretchen Fullido “Happy birthday @zenhernandez “ ng may kaunting pangaasar sa kanilang dalawa.
Credit: @atomaraullo Instagram
At karamihan sa mga netizen ay nagkomento ng “may nanalo na”, “tapos na ang pila” at “nakakainit ng ulo atom ha” sa kadahilang ang iba sa kanila ay nagkaroon ng pagkagusto sa binata dahil nga sa ito ay matipuno at matalino na siyang kinagiliwan ng iba pang netizen.
Credit: @atomaraullo Instagram
Kasama na rin dito ang kanyang husay at galing sa pagbabalita at paggawa ng mga dokyumentaryo sa I witness na siyang nagbibigay aral sa mga kanyang tagasuporta.
Credit: @zenhernandez Instagram
Palaisipan parin ngayon kung ano nga ba ang estado ng dalawa, sa kabilang banda si Atom at Zen ay parehong nananatiling tahimik sa mga komento na iyon. Maaaring gusto lamang nila ng pribadong relasyon o kaya naman sadyang magkaibigan lang silang dalawa.
Credit: @zenhernandez Instagram
Gayunpaman ang pang-aasar at ang mga komento ng netizen ay hindi nakaapekto sa kanilang dalawa na siyang magandang halimbawa para sa mga kanilang taga suporta, na hindi lahat ng sinasabi ng iba ay totoo at hindi lahat ng iyon ay dapat bigyan ng pansin.
Credit: @zenhernandez Instagram