Awra Briguela, pinaw0w ang mga netizens dahil sa mga magaganda nyang litrato para sa kanyang kaarawan

Isa sa mga child star na talagang iniidolo sa henerasyong ito ay si Mcneal “Awra” Briguela. Siya ay nagdiwang ng kanyang 17th birthday noong March 26 at nagkaroon ng photo shoot para sa kanyang birthday.

@awrabriguela instagram

Ibinahagi ni Awra ang mga larawan ng kanyang photoshoot na talaga namang napaka power at foerce. Ang mga ito ay kuha ng napakagaling na photographer na si Stephen Capuchino.
Kapansin-pansin naman ang mga suot ni Awra na talagang napakaganda. Ito ay disenyo ng mga designers na sina Park Newman at Emanuel Rinoza.

@awrabriguela instagram

Sa direksyon naman nila Jobo Antonio Nacpil, at sa styling ni Ryuji Shiomitsu, Paul Sese at Bryan Laroza, ay makikita talaga ang napakagaling na modeling skills ni Awra. Samantala, si Mycke Arcano naman ang naging hairstylist, havang si Janell Capuchino ang makeup artist nito.

@awrabriguela instagram

Lubos ang pasasalamat ni Awra sa lahat ng mga tumulong at nag-ayos sa kanya. At sa kanyang kaarawan, ay talagang napgbigyan si Awra na talagang tinodo ang kanyang pagawra sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang sumikat si Awra sa kanyang viral video at signature “awra” pose.

@awrabriguela instagram

Dahil dito, maraming mga oportunidad ang nagbukas sa kanya lalo na sa showbiz. Siya ay bumida sa ABS-CBN long-running series na FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Makmak, na nagbigay sa kanya ng award na Best Child Performer sa 30th PMPC Star Awards for Television at 3rd Aral-Parangal Awards.

@awrabriguela instagram

Taong 2016 naman nang siya ay magkaroon na ng pelikula na Super Parental Guardians, at kasama niya dito ang mga sikat na artista gaya nila Vice Ganda at Coco Martin. At isa sa kaniyang mga naging malaking achievement sa buhay ay ang maging kampeon sa talent show na Your Face Sounds Familiar: Kids. Lahat ng ito ay talaga namang pinagpaguran at deserve na deserve ni Awra. Kaya sa kanyang kaarawan ay deserve na deserve din niya ang pagmamahal at suporta lalo na sa mga netizens.

@awrabriguela instagram