Baby Amari Crawford, nagdiwang na ng kanyang ika-11 month birthday

Kay bilis nga namanng lumipas ng panahon at may mga bagay o mga kaganapang hindi na natin namamalayang nangyayari. Tulad na lamang sa mga babies na hindi na namamalayan ang paglaki dahil sa bilis ng panahon at mga pangyayari.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Minsan ay nari-realize na lamang ang mga pagbabago sa kanila kapag kinumpara ang pictures nila nang sila’y ipanganak at pictures makalipas ang ilang araw o buwan. Sa latest post ni Coleen Garcia-Crawford sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang ilang pictures nila ni baby Amari kung saan makikitang karga ng aktres ang kanyang baby boy.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

“Happy 11th month, Amari! He’s gonna be ONE YEAR OLD NEXT MONTH OMG 😭❤️” ang sabi ng celebrity mom sa caption sa kanyang ibinahaging post nitong August 10 kung kalian saktong ipinagdiriwang ang 11th month ni Amari.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Parang kalian lamang nang i-welcome nina Coleen at Billy ang kanilang first child at ngayon naman ay ilang araw na lang ay mag-iisang taon gulang na ang baby boy. Mapapansin sa mga pictures ang pagiging photogenic ni Amari. Makikita ring siya ay marunong nang tumingin sa camera at ngumiti.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Masasaksihan sa mga pictures ang malalaking ngiti ng mag-ina. Kapansin-pansin naman ang iilang mga ngipin ni Amari dahil siya ay naka “all smiles”. Tulad ng ibang celebrity parents, nagbabahagi rin ng mga updates si Coleen tungkol sa kanyang anak sa social media. Kung bibisitahin ang kanyang account ay punong puno ito ng mga litrato ng anak.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Si Amari Jayden Garcia-Crawford ay ang first born child nina Coleen Garcia-Crawford at Billy Crawford na parehong mga personalidad sa industriya ng showbiz. Hindi na nakapagtataka kung susunod siya sa apak ng kanyang mga magulang pagdating sa industriya dahil ngayon pa lamang ay ganap na siyang celebrity.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Mayroon na siyang mga endorsements at isa na rin siyang brand ambassador. Sa murang edad na ito ni Amari ay napakarami na niyang mga tagahanga. Napakaraming mga netizens ang naaaliw sa baby boy at naghihintay lagi ng mga updates tungkol sa kanya.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Ipinanganak si Amari noong September 10, 2020. Maaalalang paglabas na paglabas nya pa lamang sa sinapupunan ng kanyang ina ay inabangan na agad ito ng mga netizens dahil sa taglay nitong cuteness. Sa bawat araw na dumadating ay unti-unti nang nagiging big boy si Amari.