Baby Boy nina Joem Bascon at Meryll Soriano, nagdiwang na ng kanyang ika-6 na buwan

Sa Instagram account ni Meryll Soriano na may username na ‘planetumeboshi’ ay ibinahagi niya sa isang post ang mga litrato nilang magpapamilya. May caption itong “Halfway to One. 🤍”.

Tulad ng nakasanayang gawain ng mga magulang na kalaunang naging tradisyon, ang pag-celebrate sa bawat buwan ng mga newborn babies hanggang sa sila’y maging ganap na 1 year old, ganon din ang mag-partner na si Meryll Soriano at Joem Bascon.

Credit: Meryll Soriano instagram

Noong June 17 lamang nang ibinahagi ni Meryll ang post kung saan makikita siya, si Joem, pati na rin ang panganay niyang anak na ipinagdiwang nilang magkakasama ang 6th month ng kanilang baby boy ngayong buwan.

Credit: Meryll Soriano instagram

Hangga ngayon ay wala pa ring gaanong detalye tungkol sa anak ang inilalabas nila. Pati ang pangalan ng anak ay hindi pa rin nare-reveal. Matatandaang noong New Year’s Day, January 1, 2021, ay ginulat ni Meryll ang mga netizens nang ibinahagi niya ang picture nilang dalawa ni Joem Bascon na may kasamang newborn baby.

Credit: Meryll Soriano instagram

Kung bibisitahin ang kaniyang account ay makikita ang post niyang ito na may caption na “2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy, and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!”. Ang post na ito ang nagkumpirma sa mga rum0rs na matagal-tagal ding pinag-usapan na ang dalawa ay nagkabalikan makalipas ang isang dekada.

Credit: Meryll Soriano instagram

Naging magkasintahan sina Meryll at Joem pagkatapos nilang maging magkatrabaho sa palabas na I Love Betty La Fea” 2008, ngunit nagkahiw@lay rin kalaunan ang dalawa. Nagsimula naman ang mga speculations na nagkabalikan ang sila dahil sa litrato ni Joem na kasama ang pamilya ni Meryll noong New Year’s Day, taong 2020.

Credit: Meryll Soriano instagram

Si Meryll Soriano ay isang aktres na anak ng sikat na tv personality na si Willie Revillame. Siya ay former partner na si Bernard Palanca. Ito ang ama ng panganay niyang si Elijah Palanca na makikita lagi social media account ng aktres tulad na lamang sa mga nasabing posts.

Credit: Meryll Soriano instagram

Si Joseph Emmanuel Bascon o mas kilala bilang Joem Bascon naman ay isa ring sikat na aktor na napabilang sa napakarami na ring mga teleserye at pelikula.

Ang rekindled-relationship ng dalawa ay naging kontr0bersyal dahil December 2019 nang kinumpirma ni Joem ang paghihiwalay nila ni Crisha Uy na kaniyang naging girlfriend sa loob ng 8 years. Bago-bago pa lamang ang usaping ito nang kumalat ang rumors tungkol kina Meryll at Joem.