Baby Dahlia, cute na cute habang nakikipag kulitan sa kanyang ina na si Anne Curtis

Kung usapang cute na mga baby nga naman ang pag-uusapan ay tiyak na ang baby girl ng magaling at napaka-gandang aktres na si Anne Curtis ang isa sa mga mangunguna rito dahil sa cute na cute na itsura nito na nakuha niya sa kanyang maganda at gwapong mga magulang.

Credit: Anne Curtis instagram

Matatandaang noong Marso ng taong 2020 ay ipinanganak na ng aktres na si Anne Curtis ang kanyang first baby girl na si Baby Dahlia sa kanyang asawa na si Erwann Heussaff sa bansang Australia.

Tulad ng iba pang mga celebrity first time parents ay talagang hands-on na hands-on si Anne at Erwan sa kanilang unica hija. Simula nang naipanganak ni Anne si Baby Dahlia ay lagi nang nagbabahagi ang mag-asawa ng mga makukulit na letrato at videos nito sa kani-kanilang mga Instagram account.

Credit: Anne Curtis instagram

Mapapansin na sa pag-lipas ng panahon ay lalong nagiging cute si Baby Dahlia at lalong lumalabas ang kanyang ka-gandahan na namana nito sa kanyang magulang kaya naman talagang kinagigiliwan ito ng mga netizens at fans ng aktres.

Credit: Anne Curtis instagram

Kamakailan-lamang ay kinagiliwan muli ng mga netizens ang napaka-cute na si Baby Dahlia dahil sa ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account. Nagbahagi si Anne ng isang short video ng kanyang anak habang nag-lalaro ang mga ito ng ‘peek a boo’ na isa sa mga nagiging bonding nilang mag-ina.

Makikita sa video na nasa loob ng isang white at simpleng playtent si Baby Dahlia habang naka-suot ito ng white overall at naka-pigtails pa na lalong naka-dagdag sa kanyang ka-cute’an.

Credit: Anne Curtis instagram

Maririnig sa video ang playful at gentle voice ni Anne habang nakikipag-laro sa anak at hindi naman nagpa-huli si Baby Dahlia at game na game na nakipag-laro ng peek a boo sa ina habang naka-tago sa kanyang playtent.

“Peek-a-boo👧🏻 She is loving her teepee @forestkidsnorway and of course her comfy @tilidahli dreamsuit☁️ Reels saw this first. But unsure if everyone can see it?🤷🏻‍♀️” saad nito sa kanyang caption.

Napaka-bilis nga naman ng panahon at ipinagdiwang na nina Anne ang unang kaarawan ni Baby Dahlia nito lamang Marso at siyempre ibinahagi nito sa kanyang Instagram account ang naging simpleng birthday celebration ng kanyang anak.

Credit: Anne Curtis instagram

Mapapansin naman sa video kung gaano na ka-laki si Baby Dahlia at kung gaano ito lalong kumukulit tulad ng kanyang ina sa lumilipas na panahon. Lalo ring napapansin kung gaano nito kamukha ang kanyang napaka-gandang ina.

Credit: Anne Curtis instagram