Baby Dahlia, kinagiliwan ng mga netizen habang kasama ang ama ni Anne Curtis na si Lolo James

Pagkatapos ng mahigit isang taong paghihintay ay sa wakas ay nangyari na ang pagkikita nina Dahlia Amelie na anak ni Anne Curtis at lolo niyang si James Ernest Curtis-Smith.
Noong nakaraang June 20, Sunday, na mismong Father’s Day ay ibinahagi ni Anne sa kaniyang Instagram ang nakakaantig na picture na captured moment ng maglolo sa una nilang pagkikita.

Credit: Anne Curtis instagram

May caption pa ang post na “She finally got to meet her grandad. A year and a bit in the making but it finally happened. There’s a little bit of shyness but we’re getting there. This moment truly made my heart soooooo happy”

Credit: Anne Curtis instagram

Mahahalata sa mukha ng adorable baby na si Dahlia ang mixed emotions na kaniyang nararamdaman. Tila bang gustong-gusto niyang lumapit sa kanyang lolo ngunit siya ay nahihiya dahil ngayon niya palang nakita ito.

Credit: Anne Curtis instagram

Samantalang kahit na gilid na bahagi lang ng mukha ang kita kay lolo James ay malinaw na ang ngiti niya ay abot hanggang tenga na nagpapatunay na tuwang-tuwa siyang mameet ang apo.
At dahil nga Father’s Day sa araw na iyon ay hindi na rin ipinalampas na i-greet ni Anne ang ama at idinagdag sa caption ang message niyang “Happy Father’s Day to our gentle giant. We love you so much!”

Credit: Anne Curtis instagram

Bukod sa kaniyang ama, binati rin ni Anne ang kanyang asawang si Erwan Heussaff sa isang post rin sa kaniyang Instagram. Makikita ito bago ang nasabing post na picture ni Dahlia kasama ang kanyang lolo James.

Credit: Anne Curtis instagram

Sa Father’s Day greeting post niya para kay Erwan ay ibinahagi niya ang ilang pictures niya kasama si Dahlia na may caption na “Being a f@ther has chipp3d that s0lid wall of yours and has all0wed smiles and em0tio0s to fl0w so fr33ly—but of course that trademark gwap0 frown will always remain. You are our world, Papa. Happy Father’s Day “.

Credit: Anne Curtis instagram

Ipinasilip rin naman ni Anne ang isang throwback photo ni Erwann at solo picture ni Dahlia kung saan kitang-kita ang resemblance ng dalawa. Si Anne Curtis ay isang tanyag na personalidad sa industriya ng showbiz bilang aktres, TV host, model, VJ, at recording artist. Tatlong taon na silang kasal ng asawang si Erwan Heussaff na isang sikat na content creator.

Credit: Anne Curtis instagram

Ipinanganak si Dahlia Amelie sa Melbourne kung saan ginugol ni Anne ang kaniyang childhood bago ituloy ang Showbiz career sa Pilipinas. Nitong nakaraang March 2, 2021 lang nang mag-1 year old si Dahlia.