Baby Dahlia na anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, nagdiwang na ng kanyang ika- sampung buwang kaarawan

Ang unica hija ng mag-asawang sina Erwann Heussaff at Anne Curtis na si baby Dahlia Amelie ay nagdiriwang ng kaniyang ika-sampung buwan.

Credit: Anne Curtis instagram

Nagpost si Anne ng litrato ni Dahlia sa kaniyang Instagram account upang igreet ang kaniyang anak na ngayong Enero 9, 2021 ay 10 months old na. Sa post ni Anne ay makikita sa larawan na si Dahlia ay nakangiti habang sa tabi naman niya ang mga dahlia flowers na nakaareglo sa hugis ng bilang na “10” na si Anne mismo ang gumawa.

Credit: Anne Curtis instagram

Ang litrato ay umani ng sandamakmak na likes at sa loob lamang ng labing dalawang oras ay umani na ito ng mahigit sa 535k likes. Narito ang caption ng proud mommy na si Anne sa kaniyang post, 10 months of rainbows and sunshine with our little Dahlia Amélie. P.S – We do get the occasional storm as well. Set Design, Styling and all Mum. Thank you for finding the huge and gorgeous Dahlias for me @fig_and_bloom and thank you Mum @carmcurtissmith for letting me pick 2 from your garden”

Credit: Anne Curtis instagram

Tuwang tuwa rin ang maraming mga fans sa panibagong milestone sa buhay ni baby Dahlia at marami pang nagsasabi na nagiging kamukha na talaga ni Anne ang kanilang anak. Narito ang ilan sa kanilang mga komento at pagbati:

Credit: Anne Curtis instagram

“Happy 10 month cute baby Dahlia little dyosa”
“Starting to look like you @annecurtissmith”
“Super cute and the smile yung tipong nakakawala ng pagod”

Credit: Anne Curtis instagram

Ang pamilya ni Anne at Erwann ay nakatira ngayon sa hometown ni Anne na sa Victoria, Australia mula pa noong Disyembre taong 2019.

Ipinanganak ni Anne si Dahlia noong Marso 2 taong 2020 at simula noon ay nakikita ng mga fans kung gaano napasaya ni Dahlia si Anne simula ng siya ay dumating sa kanilang buhay. Si Anne ay patuloy na nagbibigay update sa kaniyang mga fans sa pamamagitan ng social media ukol sa mga milestones ni Dahlia.