Baby girl ni Jhong Hilario na si Sarina Oceanina, bininyagan na

Sabado ng umaga, Marso 27, 2021, nang inihayag ni Jhong Hilario sa isang post sa kaniyang Instagram Account na sa wakas ay nanganak na ang kaniyang life-partner na si Maia Leviste Azores sa kanilang first-born child. Ito ay isang baby girl na ipinangalanan nilang Sarina Oceania Hilario.

Credit: Jhong Hilario instagram

Ipinakilala niya si Sarina bilang kanyang “Sample Princess,” na nakasunod sa palayaw niyang “Sample King.” Maaalalang, Inihayag nina Jhong at kanyang matagal nang kasintahan na si Maia ang pagbubuntis noong Nobyembre.

Credit: Jhong Hilario instagram

Si Virgilio Viernes Hilario Jr. o mas kilala bilang Jhong Hilario sa industriya ng showbiz ay kilala bilang aktor, host, at politician. Nagsimula siyang makilala nang naging kabilang siya sa dance group na Streetboys. Ilang buwan pa lang ang nakalipas nang naging ganap siyang padre de pamilya sa anak nila ng kinakasamang si Maia Azores.

Credit: Jhong Hilario instagram

Ang dalawa ay higit na pitong na taon nang magkasama. Masasaksihan ang pagiging proud daddy ni Jhong Hilario sa social media sapagkat halos araw-araw siyang nagpo-post ng mga litrato ng kaniyang anak. At ngayon naman ay ginawan na rin ng opisyal na Instagram account si Sarina kung saan naka-post ang updates tungkol sa kaniya.

Credit: Jhong Hilario instagram

Ang latest post sa account na ito ay ibinahagi ang litrato nilang magkapamilya kasama ang isang pari na may caption na “My Baptism! 🙏🏼😇”. Si Sarina ay nabinyagan na sa kabila ng p@nd3mya.
Kung bibisitahin din ang Facebook page ng aktor ay ibinahagi niya ang mga litrato na nakunan noong binyag. Nagpasalamat si Jhong sa prayers at support ng mga ninang at ninong ng anak.

Credit: Jhong Hilario instagram

Mapapatunayan na ang pagmamahal ni Jhong sa anak ay walang dudang umaapaw dahil matatandaang nagpaalam siya sa “Your Face Sounds Familiar” kung saan kasalukuyang namamayagpag ang kaniyang pangalan dahil sa pangunguna sa kompetisyong ito noong Abril at pansamantala ring nagpaalam sa “It’s Showtime” bilang host.

Credit: Jhong Hilario instagram

Upang mag-focus sa pagiging ama at para siguraduhing maiwas ang anak sa pagk@kas@kit lalo na ngayong panahon ng p@ndemya. M@hirap man para kay Jhong ang naging desisyon ay mas mahalaga pa rin at at walang katumbas ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa anak.
Si Sarina Oceania Hilario ay magta-tatlong buwan na sa darating na June 27.

Credit: Jhong Hilario instagram