Bagong engaged na si Liz Uy sinabing “best cupid” ang kaibigang si Isabelle Daza

Pinaka exciting na magaganap sa isang tao ay ang mag level up sa kanilang commitment sa kanilang love of their life at maging engaged na sa kanilang kasintahan. Ang mga engagement na ganito ay tila ba’y sinusubaybayan ng mga nakakarami.

Credit: Isabelle Daza instagram

Kilig at sobrang pagsuporta ang natanggap ng isang sikat na personal stylist na si Liz Uy nang kaniyang ianunsyo na siya ay engaged na sa kaniyang long-time partner na si Raymond Racaza.
Si Liz Uy ay sikat na bilang magaling na stylist, author, at fashion editor sa Pilipinas.

Credit: Isabelle Daza instagram

Tila ba ang kaniyang pangalan ang namamayagpag sa industriya ng Modeling at Fashion Industry sa Pilipinas. Hindi lamang siya sa Pilipinas nagpapakita ng kaniyang angking talento kundi pati narin sa ibang bansa.

Credit: Liz Uy instagram

Siya ay nagtatrabaho bilang Digital Curator for style sa bansang Singapore. Isa rin siyang creative director sa isang styling company na Style studio sa Manila. Iba nga naman ang talento ng mga Pinoy kaya naman isa siya sa tinuturing na Pinoy Pride ng bansa.

Credit: Liz Uy instagram

Sa isang IG post ni Liz Uy na nagpapakita ng kaniyang engagement ring ay nagcomment ang sikat na aktres na si Isabelle Daza ng, “Love you you deserve it”Sinagot naman ito ni Liz Uy ng “I love you!!! You’re the best cupid”

Credit: Liz Uy instagram

Alam ng nakakarami na ang dalawang ito ay matalik na magkaibigan kaya naman laking gulat ng mga netizens nang malaman nilang si Isabelle Daza pala ang naging tulay upang magkakilala ang magkasintahan.

Credit: Liz Uy instagram

Ikinuwento ng sikat na stylist sa isang interview sa Philippine Star na si Ms. Isabelle Daza ang nagpakilala kay Liz Uy ng kaniyang future fiancé na si Raymond Racaza noong buwan ng Mayo noong taong 2016.

 

View this post on Instagram

 

In all lifetimes, always a yes 💍

A post shared by Liz Uy (@lizzzuy) on

Sa paglipas ng ilang buwan ay inanunsyo ni Liz Uy na siya ay nagdadalang tao. Ang pagdadalang tao ng stylist ay nalaman ng couple noong buwan ng Pebrero 5, 2017. Ipinakita sa publiko ni Liz Uy ang kanilang anak ng naturang business man na si Racaza at pinangalanan nila ang bata ng Xavi.