Barbie Imperial, masayang ibinahagi na sila ay magkasintahan na ng aktor na si Diego Loyzaga

Sabi nga nila, ang ilan daw sa mga relasyon ay nagsisimula lamang sa isang malalim na matibay na pagkakaibigan. Saan nga naman nagsisimula ang lahat, kundi sa isang magandang samahan at pagkakaibigan.

Credit: @diegoloyzaga instagram

Diyan naman siguradong makakarelate ang aktor at aktres na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na masayang masaya sa isa’t-isa.

Credit: Barbie Imperial instagram

Nagkaroon noon ng nga rumors at usap usapan dahil sa isang comment noon ni Diego sa bik!ini photo ni Barbie. Mula noon, ay hindi na nalihis ang mata ng mga tao sa kanila.

Credit: Barbie Imperial instagram

Ngayon, masaya naman na nilang ipinahayag ang kanilang pagmamahalan at opisyal na silang dalawa bilang magkasintahan na talaga namang lubos na nagpapasaya sa kanila at sa lahat ng mga netizens.

Credit: Barbie Imperial instagram

Sa isang IG post, lubos ang pasasalamat ni Barbie kay Diego sa pagpapasaya nito sa kanya.
“Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you #angcheezynibarbie pagbigyan ngayon lang ulit naging ganito,” pahayag ni Barbie sa kanyang IG.

Credit: Barbie Imperial instagram

Hindi ba’t napaka sweet nga naman talaga ni Barbie? Mapapa sana all ka na lang. Maging si Diego naman ay nagpost ng larawan nila ni Barbie na may caption na,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

“Happy new year to us. Thanks for making the end of my 2020 memorable. Let’s go, 2021!”
Marami naman ang masayang masaya para sa kanila. Maging mga kaibigan at pamilya nila ay nag komento dito.

Isa sa mga nagkomento at nag wish para sa kanila ay ang step mother ni Diego na si Sunshine Cruz na naging on screen mother naman ni Barbie sa kanyang role sa “Bagong Umaga.” “You both deserve to be happy!” Cruz commented on Loyzaga’s post. “Happy New Year Diegs and my beautiful Cai,” komento ni Sunshine para sa kanilanh dalawa.