Baron Geisler at asawang si Jamie Evangelista, masayang nagdiwang ng unang anibersaryo bilang mag-asawa

Bawat araw ng samahan at pagmamahalan ay talaga namang napakahalaga dahil bawat araw ay may bagong kwento ng pagmamahalan.Kaya naman, napakalaking bagay na maipagdiwang ang wedding anniversary dahil nagpapakita lamang ito na tumitibay at lumalalim ang inyong samahan bilang mag-asawa.

Credit: Baron Geisler instagram

Kaya naman, ang aktor na si Baron Geisler ay nag effort na bumalik sa social media para batiin at ipagsigawan sa social media world kung gaano nga ba siya kasaya at ka proud sa kanyang misis ngayong sila ay nag diriwang ng kanilang 1st wedding anniversary.

Credit: Baron Geisler instagram

“I’m blessed to have a very loving and supportive wife who has endured me for a year now. Hehehe… Praying for an abundant life together. God knows I love you very much Jamie Marie Geisler,” mensahe ni Baron.

Credit: Baron Geisler instagram

Makikita sa kanyang post noong September 13 ang mga larawan nila na magkakasama sa isang beach sa Cebu bilang selebrasyon. Matatandaang ikinasal noon sina Baron at Jamie sa Quezon City Hall noong September 12.Galing kasi sa pagd3d3activate si Baron sa social media. Personal nya daw itong desisyon. Mula ng umuwi siya sa Cebu kasama ang asawa at ang anak na si Talitha Cumi ay di na muna siya naging active dito.

Credit: Baron Geisler instagram

Pero, saad naman ngayon ni Baron sa kanyang My Day ay na miss niya daw ito at magiging active na siya ulit dito“I miss civilization. I miss social media, it’s nice to be back,” saad pa niya.

Credit: Baron Geisler instagram

Mahaba habang proseso din ang dinaanan ni Baron bago siya nakauwi ng Cebu. L0ckd0wn noon nang siya ay nastranded s Quezon City para sa shoot ng kanilang pelikulang Tililing ng Viva Films.Mahirap pang kumuha ng mga flights noon sa Cebu dahil tumigil ang mga local flights. Kailangan pa ng mga certificates para makapag biyahe kaya natagalan bago makarating siya doon.

Credit: Baron Geisler instagram

Ang mas mahalaga ay nakauwi si Baron at sama sama nilang naipagdiwang ang kanilang wedding anniversary.

Credit: Baron Geisler instagram