Bea Alonzo, may pasilip sa kanyang napakagandang gym sa loob ng kanyang tahanan

Nagbigay ng pasilip ang Kapamilya actress na si Bea Alonzo sa kanyang home gym.
Makikita sa latest vlog ng aktres ang kanyang newly renovated gym. Ang nasabing home gym ay mayroong multi-functional squ@t machine, rack of exercise balls, kettlebells, dumbells,saddle row,treadmill,stationary bike, pvnch!ng bag, kitchenette, at isang malaking TV.

Ipinakita rin ni Bea ang isang mini studio para sa kanyang yoga at Pilates sessions. Itong mini studio na ito ay ang kanyang dating mini gym. Ayon kay Bea, naisipan nito na irenovate ang kanilang family room at gawin itong home gym at para mas mapakinabangan pa ang ibang lugar na hindi gaanong nagagamit.

“I know I don’t look like your typical gym buff gal, but I’ve been trying to work on my body not just for aesthetics but more importantly, for my health. I think lahat naman tayo ay mag-aagree kapag sinabi kong HEALTH is our main priority these days,” ito ang nasa description ng nasabing vlog.

Marami na ang nakapanood nito at umabot na sa 500,000 views at patuloy na dumarami. Sa ngayon, mayroon ng 1.71 million subscribers ang aktres sa kanyang Youtube Channel. Nagumpisa si Bea sa kanyang oag vlog noong 2018.

Maraming netizens ang namangha hindi lamang sa kagandahan ng gym, kung hindi, pati narin sa pananalita at kung paano tinour ni Bea ang kanyang netizens. Manghang mangha ang mga ito dahil sa napakabait at kababaang loob na ipinapakita ni Bea. Narito ang kanilang nga komento:

“Just amazing how she speaks and not sounding boastful. That’s by being beautiful inside out.”
“Bea is good in story telling. She speak very well. She can be a host for lifestyle of the rich and famous ❤️💙💜”

“Loving bea by the minute. Her vlogs are well put together, and showcases her beautiful side.”
“Love the content of her vlogs simple,entertaining,informative and full of her smiles way to go Ms Bea”