Bea Alonzo, pinakita ang kanyang napakalawak at napakagandang farm sa Zambales

Credit: Bea Alonzo Youtube

Isa sa mga investment nga naman na pwedeng gawin ay ang pagtatayo ng isang farm. Bagamat mahirap at mahabang proseso ito, kailangan nga naman talagang planuhin ng maigi at sabi nga nila ay worth the wait naman daw ito.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Kaya naman, ang aktres na si Bea Alonzo ay ipinasilip sa atin sa kaniyang vlog ang napakalawak niyang farm sa Zambales. Focus na focus daw talaga siya dito lalo na ang kanyang ina dahil hilig din naman ng kanyang ina ang farming lalo na noong siya ay namamalagi pa sa Quezon province.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Kaya naman, ngayon ay isa ang kanyang ina sa mga nagmamanage ag nagpapaganda ng farm na ito.
Makikita na napapalibutan ito ng mga Mahogany trees na talagang big investment daw sabi ni Bea.
8 years na rin ang mga ito at sa katandaan ay mabebenta nila ito sa mga gumagawa ng mga furnitures.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Makikita din dito ang mga villas, at mga bahay na ipinagawa ni Bea. Ilan nga sa mga signages na nandito ay ang “House of Santiago” at “House of Basha”. Si Santiago ay pamangkin ni Bea habang ang Basha ay role ni Bea sa pelikula niyang “One More Chance”.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Sustainable at environmental friendly din ang ilaw dito dahil solar powered ang mga ito kaya naman maliwanag talaga tuwing gabi.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Ilan din sa mga puno na makikita dito ay Manga, Calamansi, Saging at marami pang iba. Napakaganda din ng mga itinayo nilang mga nipa huts dito, at ang isa dito ay itinayo ni Kuya Dhoy, ang isa din sa mga nagmamanage dito.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Itinayo niya ito noong ECQ dahil na rin daw naiinip siya noong panahon na yun. Bukod pa dito, isa rin sa nakakabilib sa farm na ito ay nagaalaga din sila ng napakaraming mga alagang hay0p.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Nagaalaga sila ng baka, bibe, mga adopted na aso,tupa, tilapia at ang halos kakasimula lang nilang alagaan na baboy.

Credit: Bea Alonzo Youtube