Bela Padilla, ibinahagi ang litrato kasama ang boyfriend na si Norman na umattend ng kasal sa Italy

Ang bawat kasalan ay selebrasyon ng pagmamahalan at pag-iibigan. Kaya naman, sa araw ng ating kasalan ay gusto nating lahat na espesyal at lahat ay pulido. Ano nga ba ang dream wedding mo? Maaring sagot mo ay magarbo o simple lang.

Credit: @bela instagram

Pero kahit ano pa man ang klase ng kasal mayroon ka, ang mahalaga ay ang nagmamahalan kayo at kayo ay nagsumpaan sa harap ng tao at ng Diyos. Iyan nga naman ang tunay na kahulugan ng kasal.
Kung kasalan nga naman ang usapan, wala na nga namang mas bobongga pa sa pinuntahang kasal ng aktres na si Bela Padilla at ang kanyang boyfriend na si Norman Bay sa Como Italy.

Credit: @bela instagram

Makikita sa larawan sa Instagram si Bela Padilla na nakasuot ng dilaw na dress at may hawak na mga bulaklak. Mukhang masayang masaya sa kanyang pagbisita sa Italy para sa kasal ng kaibigan.
Pero mas nakakakilig ang isang larawan ni Bela na kasama ang kanyang boyfriend na si Norman. Kaya naman, di maiwasan ng mga netizens na mag-isip at magtanong, kung siya na daw ba ang next bride.

Credit: @bela instagram

Isang magaling na aktres si Bela at talagang hinahangaan siya ng lahat mula sa kanyang mga roles. Matagal din bago nagkaroon ng love life si Bela at inabangan ng lahat kung sino nga ba ang napakaswerteng lalaking ito.

Credit: @bela instagram

Hanggang sa dumating na nga si Norman Bay sa kanyang buhay. Marami ang na eexcite kung kailan nga ba mag lelevel up ang kanilang relasyon.

Credit: @bela instagram

Umaasa ang lahat maging mga fans at netizens na tuloy tuloy na ang kanilang relasyon hanggang sa simbahan. Kasalan na nga lang ang kulang kay Norman at Bela. Kailan kaya ito?
Abangan ang mga susunod na bahagi ng kwento ni Bela at Norman.

Credit: @bela instagram