Bela Padilla, ibinahagi ang masayang pamamasyal nya sa Italy kasama ang kasintahan na si Norman

Sa latest Instagram post ni Bela Padilla, ibinahagi niya ang mga moments niya sa Italy kasama ang foreigner boyfriend niyang si Norman Bay. Nitong nakaraang Sunday, July 11, nagpost si Bella ng mga larawang kasama ang Swiss boyfriend habang iniikot ang Piazza del Duomo sa Florence, Italy. Muling nagkita ang dalawa at sinulit ang kanilang mga araw sa pamamagitan ng pamamasyal.

Credit: Bela Padilla instagram

May caption ang post na “Pamaypay in Italia!” dahil kitang kita naman sa post kung paano nagstand-out ang dala niyang pamaypay na may matingkad na kulay na red. Ang magkasintahan ay kasalukuyang magka- long distance relationship dahil si Bela ay naka-base sa Pilipinas habang ang boyfriend niya naman ay nakabase sa ibang bansa.

Credit: Bela Padilla instagram

Kaya naman mapapansing tuwing nagkikita sila ay sinusulit talaga nila ang oras at bawat moment na magkasama. Wala silang pinapalampas ma-capture na madalas ay ibinahagi nila sa social media.
Bago pa ang trip na ito, noong buwan ng March lamang ay nagkita rin sila sa Turkey.

Credit: Bela Padilla instagram

Maaalalang taong 2020 buwan ng Oktubre, isinapubliko ni Bela ang pagiging in-a-relationship niya sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga picture nila ni Norman sa Instagram na may caption na “The one I met in St. Gallen,”, nakilala ni Bela ang boyfriend niyang si Norman nang magkaroon siya ng taping sa St. Gallen, Switzerland para sa pelikulang kanyang binidahan na “Meet Me in St. Gallen.”.

Credit: Bela Padilla instagram

December 2017 nang magsimula ang lahat sa dalawa. Nang magkakilala sila ay nanatili ang kanilang communication ng ilang taon na nauwi sa isang masayang relasyon. Apat na taong single ang aktres bago muling pumasok sa isang relasyon.

Credit: Bela Padilla instagram

Wala masyadong inilalahad na impormasyon si Bela tungkol sa kanyang boyfriend, gayunpaman ay pinakikilala niya pa rin ito sa publiko sa pamamagitan ng pagpost ng kanilang mga pictures.

Credit: Bela Padilla instagram

Si Krista Elyse Hidalgo Sullivan o mas kilala sa screen name niyang Bela Padilla ay isang aktres, film producer, film director, screenwriter, host, at brand ambassador. Lalo siyang nakilala sa angking niyang galing sa pag-arte. Marami na rin siyang naging mga projects na naging hit sa mga maraming manonood.

Credit: Bela Padilla instagram

Ang boyfriend niyang si Norman Ben Bay ay isang Swiss-Italian at kasalukuyang naninirahan sa Zurich ayon kay Bella.