Bettina Carlos, isinilang na ang kanilang anak ni Mikki Eduardo na si Baby Amila

Proud dad na si Mikki Eduardo, asawa ng actress na si Bettina Carlos, nagpost ng recent picture ng anak nilang si baby girl Amila, pagkatapos siyang maipanganak ng kanyang mommy bettina. Sa IG post nito, kitang kita ang cute photo ng kanilang baby.

Credit: @mikki.e.eduardo Instagram

“ Dati palangoy lang0y ka lang. Ngayon, Andito ka na. Lakas! Welcome to this world, Baby Amila.” Caption ni Mikki sa kanyang IG post, tila dedication message sa kanyang first child. Marami namang congratulatory messages mula sa netizens ang bumati sa mag-asawa, pati na ang kilalang actress na si Jackielou Blanco.

Credit: @mikki.e.eduardo Instagram

Nagpost din si Mikki ng isa pang photo ni baby Amila at sinabing siya ang kanilang “12.12 ADD TO CART.” Si baby Amina ay second child ni Bettina kasunod kay Gummy, na anak niya sa kanyang unang partner. Ikinasal sila noong 2020, at kakacelebrate lamang ng 2nd anniversary noong December 2, at nagpalitan sila ng sweet messages para sa special day ng kanilang celebration.

Credit: @mikki.e.eduardo Instagram

Kaugnay din nito, nagpost din si bettina ng photo kung saan hinahalikan ng kanyang asawa ang kanyang baby bump kung saan malapit na siyang manganak nang mga oras na iyon. Sa caption, tinanong niya kung handa na si Mikki i-welcome nag kanilang anak.

Credit: @mikki.e.eduardo Instagram

“Ready? @mikki.e.eduardo”. Sa susunod niyang IG post, ipinakita niya ang pagkakaiba ng kanyang baby bump noong siya ay 6 weeks pregnant, at nang siya ay 37 weeks pregnant na kay baby Amila, sa pagdodocument ng kanyang pagbubuntis.

Credit: @mikki.e.eduardo Instagram

“6 weeks and 37 weeks. 40-lb difference. First and last photos taken documenting this pregnancy.” Caption ni Bettina sa kanyang post. Umani naman ito ng mga papuri at congratulatulatory messages mula sa netizens.

“the pregnancy glow on u tho” sabi ng isang netizen, tila napakaganda pa rin niya sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kitang kita ang kanyang glowing look. “mas maganda po kayo pag buntis hehe” komento pa ng isang netizen, gaya na lamang ng ibang nagpakita ng suporta at paghanga sa kanyang pagbubuntis kay baby Amila.

Ilang araw bago manganak si Bettina, nagpost si Mikki ng picture nila ng kanilang fur baby dog na si Beav, na may caption na “In a few days you won’t be the only baby “pabebe” anymore.”