Bianca Gonzalez Intal, may pasilip ng kanilang malaki at bagong gawang tahanan

Si Bianca Gonzalez na isang Filipino host sa telebisyon at modelo ay nagbibigay ng isang sulyap sa bagong bahay na kanilang ipinatayo sa papamigan ng pagbabahagi ng kanilang larawan kasama ang kanyang pamilya sa kanilang sala.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Matatandaan noong taong dalawampu’t labing walo nang una niyang inihayag na ang kanyang pamilya ay malapit nang lumipat sa isang bagong tahanan. Dahil noon ay nakatira sila sa isang bahay na itinayo ni JC bago sila magpakasal at nasabi ni Bianca na swerte niya na naisip ni JC na itayo ang kanilang bahay bago sila ikasal.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng TV host ang larawan ng kanyang pagbisita sa site kasama si Intal at ang kanilang panganay na si Lucia. “We took our firstborn on a site visit to our house construction. Aprub ni little bossing!” saad nito.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Ang mga kaibigan at tagasuporta ni Gonzalez, kabilang ang ilang mga kilalang tao, ay nagpahayag ng kanilang pananabik sa bagong tahanan. Ngayong taon naman, buwan ng enero ay ang mag-asawang sina Bianca Gonzalez at JC Intal ay nagpakita muli si Bianca sa kanyang Instagram account ng proseso ng pagbuo ng kanilang susunod na tahanan ng pamilya.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Kung saan nagha-highlight siya ng isang partikular na espasyo, ang kusina kung saan ang buong pamilya ay maaaring magkaroon ng pagkakataong makabuo ng mga bagong alaala na magkasama. “My husband doesn’t cook, but we’re building a kitchen area that made him say he will cook for us daw when we move. I don’t really cook much, but I’m looking forward to baking with our two girls here!” saad nito.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Pagkatapos ng ilang buwan ay sa wakas nakalipat na sila sa kanilang bagong tahanan. Kakapost lamang ni Bianca sa konting pasilip sa bahay. Mayroon itong caption na “Finally HOME! Beyond grateful 🤍🏠🥺🙏🏽” Bilang isang buong pamilya sobrang saya sa pakiramdam na sama-sama kayong tumira sa malaking bahay.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Dahil bagong lipat palang sila ay mayroong mabubuting loob na kapitbahay ang taos pusong sumalubong sa kanila at nagbigay ng regalo tulad na lamang ng cookies simbolo ng lubos na pagtanggap sa kanila.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Sa mga taga-hanga naman ni Bianca ay maraming nag komento sa kaniyang post na magtour ito sa kanyang bagong bahay lalo na nakikitaan nila itong ng kagandahan kahit na kakaonti pa lamang ang ipinakita nito.

Credit: Bianca Gonzalez Intal instagram

Hindi posibleng pakita nito ang kanilang bahay sa papamahigatan ng vlog lalo na mayroon itong channel sa Youtube na “iamsuperbianca” kaya abang abang nala diyan para sa kanyang mga fans.