Billy Crawford, ipinasilip ang kanilang masayang pamamasyal ni Coleen at kanilang cute na baby na si Amari sa La Union

Ipinasilip ng celebrity couple na sina Coleen Garica at Billy Crawford sa kanilang mga followers ang napakasaya nilang bakasyon sa Thunder Bird Casino and Resort sa La Union.

Ibinida ng mag asawa sa kani kanilang mga instagram account noong Sabado, January 30 ang mga larawan kung saan makikitang nag eenjoy ang kanilang 4 months old baby boy na si Amari.


Credit: Billy Crawford instagram

Sa post ng aktor, makikita na binubuhat niya pataas ang kanyang anak at sinabi sa caption na “Soar high little man! Mommy and Daddy got you!”. Samantala, nag post din si Coleen ng larawan kung saan makikitang kalong kalong naman niya ang kanyang baby at may caption na “So happy to be back in LU and happy that Amari will finally get to meet a lot of his family members”.

Credit: Billy Crawford instagram

Agad namang pinaggigil@n ng mga netizens ang napaka cute na larawan ng kanilang baby. Inulan agad ito ng mga papuri at sinabi ng ilan na habang lumalaki ito, mas nagiging kamukha niya ang kanyang Daddy Billy.

Credit: Billy Crawford instagram

Maging ang ilan sa mga kasama nila sa showbiz na sina Rufa Mae Quinto at Melai Cantiveros, napa comment na rin sa kacute-an ni Amari. Sa pinag halong napakagandang genes ng mag asawang Crawford, hindi nga imposible na lumaking gwapo at cute ang kanilang anak.

Credit: Billy Crawford instagram

Maaalalang sa gitna ng p@ndemya, isinilang ng aktres si Amari sa pamamagitan ng water birth sa kanilang bahay noong Setyembre ng nakaraang taon. Ibinahagi rin ni Coleen noon sa kanyang instagram ang mga larawan kung saan makikitang nag labor siya ng apat na oras bago nila tuluyang winelcome ni Billy ang kanilang anak.

Credit: Billy Crawford instagram

Bagamat nahir@pan ito sa panganaganak, makikita naman na worth it ito at sinabi niya na masaya siya at hindi pinagsisisihan na hindi gumamit ng pain killers. Matatandaang taong 2018 ng magpakasal sina Coleen at Billy sa Balesin na dinaluhan ng mga sikat na artista. 2014 ng magkarelasyon sila at 2016 naman ng ma engaged.

Credit: Billy Crawford instagram