Bunso nila Marian at Dingdong Dantes na si Sixto, kinagiliwan ng mga netizens dahil sa napakacute na pagkanta ng bahay kubo

Kinaaliwan ng mga netizens ang video ng bunsong anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung saan mapapanood siyang nagkakanta. Sa ibinahaging video ng isang fan page account ng DongYan sa Instagram, maririnig na nagkakanta ng “Bahay Kubo” at “Ako ay may Lobo” ang baby boy nina Marian at Dingdong na si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Ang gwapong baby boy ay may hawak-hawak na micropone habang nagfo-focus sa pagkakanta at hindi nagpapa-apekto sa mga nangyayari sa paligid niya. Seryosong nagkakanta si Ziggy ng mga children song na “Bahay Kubo” at “Ako ay may Lobo” habang may naka-play na video sa harapan niya na kanya namang sinasabayan.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes instagram

Makikitang nag-eenjoy si Ziggy sa kanyang ginagawa dahil tuloy-tuloy lamang ito sa pagkakanta kahit na ang mga lyrics na lumalabas sa kanyang bibig ay hindi pa ganon kalinaw.
Mapapatunayan ring nag-enjoy ang mga netizens na nakapanood sa video dahil makikita sa comment section ang pagbuhos ng papuri at positive comments ng napakaraming taga-suporta ni Ziggy.

Napakabilis ng panahon at parang kalian lang nang napakaliit pa lamang ni Ziggy. Nagyon naman ay kaya na niyang gumawa ng iba’t iba pang mga activities. Pagwapo na rin siya nang pagwapo habang lumalaki, artistahin ang baby boy sa kanyang dating na walang duda naman na kanyang namana sa mga celebrity parents niya.

Si Ziggy ay ang kasalukuyang bunso sa pamilya. Ang panganay naman ng DongYan na ate ni Ziggy ay si Maria Letizia “Zia” Dantes. Ang mga magulang ng dalawa ay ang mga tanyag na personalidad sa industriya ng Showbiz na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Naging kilala ang dalawa dahil sa kanilang mga iba’t ibang projects kung saan ipinamalas nila ang kanilang angking galing.

Credit: Team Dantes instagram

Ngayon naman ay hinahangaan din ng mga indibidwal ang pagsasama, pagmamahalan, at pamilyang nabuo ng celebrity couple. Kaya hindi na lamang mga projects ng dalawa ang inaabangan kundi pati na rin ang mga updates ng pamilya lalo na ang mga pictures at videos ng dalawa nilang anak na sina Zia at Ziggy.

Credit: Team Dantes instagram

Tulad ng ibang mga magulang, supportive din na parents ang dalawa. Hindi nila ipinapalampas na ibahagi ang mga captured moments ng mga anak. Lagi rin nilang ipinagmamalaki at ibinibida ang mga ito sa social media.