Bunsong Anak nina Patrick at Nikka Garcia na si Baby Pablo, nagbigay aliw sa mga netizens

Naaalala niyo pa ba ang dating magaling na aktor na si Patrick Garcia? Tiyak na hanggang ngayon ay maraming netizens at lalong-lalo na ang mga all time viewers ang nakaka-kilala at pamilyar sa aktor dahil isa ito sa mga magagaling na artista sa mundo ng showbiz noon.

Credit: Nikka Garcia instagram

Matatandaang sa murang edad ay pinasok na ni Patrick ang pagsho-showbiz dahil nakumbinsi ito ng kanyang kapatid na si Cheska Garcia upang subukan ang kakayahan nito sa pag-arte.

Hindi naman binigo ni Patrick si Cheska at naging parte kaagad ito sa isang pelikula sa big screen na pinamagatang “Sep@rada” kung saan mas napansin ang kanyang natural at galing na talento sa pag-arte sa edad na 13 years old lamang.

Credit: Nikka Garcia instagram

Simula noon ay nakilala ito bilang young heart thr0b ng bansa at hindi nag-tagal ay mas nagkaroon ito ng maraming proyekto at iba’t ibang oportunidad upang maipamalas nito ang kanyang galing sa pag-arte.

Sa pag-lipas ng panahon ay nakilala ni Patrick ang kanyang makaka-sama sa kanyang buhay at ito ay ang kanyang kasalukuyang asawa na si Nikka Martinez-Garcia. Noong Marso ng taong 2015 ay ikinasal ang mga ito at ngayon ay mayroon na silang apat na anak at ito ay tatlong babae at isang lalake.

Credit: Nikka Garcia instagram

Kamakailan lamang din nang ipanganak ni Nikka ang kanilang ika-apat na anak ni Patrick at ito pa ang first baby boy ng mga ito na ipinangalanan nila bilang Baby Enrique. Nitong Hulyo lamang mula nang ibinalita ng dalawa sa kanilang Instagram account ang balitang safe na safe na naipanganak ni Nikka ang kanilang baby boy ni Patrick.

Credit: Nikka Garcia instagram

Makikita sa Instagram account ni Nikka ang mga magagandang letrato nila ng kanyang pamilya kung saan mapapansin kung gaano ka-saya ang mga ito sa kanilang buhay lalo na at patuloy pa ring lumalaki ang kanilang pamilya at nagkaroon ng bagong miyembro ang mga ito.

Sa latest post ni Nikka ay makikita ang cute na cute na mga closed up pictures ni Baby Enrique habang naka-suot pa ito ng black na bonet na talagang bagay na bagay nito. Ilang buwan pa lamang si Baby Enrique ngunit mapapansin na kung gaano ito ka-gwapo at artistahin na talagang namana nito sa kanyang mga magulang.

Credit: Nikka Garcia instagram

“Mighty Cute indeed!!!!😍” saad ni Nikka sa kanyang caption.

Credit: Nikka Garcia instagram

Sino ba namang hindi sasaya kung ganito ka-cute ang nakakasama at nakikita mo araw-araw? Kaya naman tiyak na labis ang saya ni Patrick at Nikka na sa wakas ay nabiyayaan na rin sila ng isang Baby boy at mas nadagdagan pa ng saya ang kanilang buhay.

Credit: Nikka Garcia instagram