Catriona Gray at Sam Milby, pinakilig ang mga fans dahil sila ay engaged na!

Marami sa atin ang ipinapangarap na ikasal. Pero bago pa ang kasal, siyempre, mahalaga na makilala natin ang tamang tao para sa atin. Hindi nga naman madali ito, ang iba’y nakilala na nila agad habang ang iba’y napakahirap bago ito dumating. Sa iba naman, nasa harap na niya, pero di niya alam na siya na pala ito.

Credit: @catriona_gray Instagram

Kaya naman, napakaswerte ng mga nakikilala nila ang taong makakasama nila habambuhay. Gaya na lamang ng sikat na couple na sina Sam Milby at Catriona Gray. Dream couple nga naman diba?
Isang Miss Universe 2018 at sikat na aktor.

Credit: @catriona_gray Instagram

Talaga namang lahat at nangarap nito, ideal man at woman kasi ang dalawa. Mula sa pagiging magkaibigan at mag best friend, sila ay naging magkasintahan. Taong 2019, may mga rumors noon na sila na, pero nakumpirma lamang ito noong May 2020. Marami ang nabigla pero masaya para sa kanilang dalawa.

Credit: @catriona_gray Instagram

At ngayon, muli na naman nila tayong nabigla sa kanilang dalawa. Dahil ngayon, ay officially engaged naman na sila!

Sa kanilang IG post, makikita ang mga larawan na kanilang pinost at may kalakip na caption.
“Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee) @samuelmilby,” saad ni Catriona sa kanyang IG.

Credit: @catriona_gray Instagram

Narito naman ang post ni Sam Milby na talaga namang nakakakilig din. Shinare din ni Sam ang parehong larawan na ito.

Credit: @catriona_gray Instagram

“I (FINALLY) put a ring on it! 😄 I love you my forever koala… now my fiancé,” saad ni Sam.
Sa wakas, naibigay na ni Cat ang matamis na oo. Naging ugong ugong ang balita na sila ay engaged na noong December sa post ni Catriona na, “Today made me the happiest.”

Masaya ang lahat para sa kanila. Narito ang ilan sa kanilang mga pagbati para sa sweet couple:
“Congratulations for both of you. I am happy to know Sam that you already found your better~half. Been your fan for 18 years. God bless you both”

Credit: @catriona_gray Instagram

“I do believe with Sam how he take care of Catriona!! I trust Sam for loving her to the fullest!! Congratulations to both of you!!💖💖💖”

Credit: @catriona_gray Instagram

“Sam Milby is the luckiest man to have Catriona Gray, congrats po sa inyo both sana tumagal po kayo 🙏👍👌😬”

Credit: @catriona_gray Instagram