Bahagi na ng ating mga buhay ang buhay pag-ibig. Lahat nga naman tayo ay nagdaan sa ating mga buhay na tayo at nakaranas na magkaroon ng nobyo at nobya.

Ito ang bahagi na kung saan mas nakikilala at nakakasama ang isa’t isa bago pasukin ang pagaasawa. Maging mga celebrities ay hindi exempted dito. Kaya naman, masaya ang lahat nang maibalita sa atin na mayroon ng boyfriend ang dating Grand Champion ng The Voice Kids Season 2 na si Elha Nympha.

Ang singer na si Brian Gazmen ang kasintahan ni Elha. Sa katunayan, ay ibinahagi ni Brian ang kanyang mensahe na may kalakip na mga larawan ni Elha na punong puno ng pasasalamat at pagmamahal sa kanyang kasintahan.
“Hello to the love of my life, you don’t know how happy I am to be your boyfriend and how lucky I am that you’re my girlfriend. I am so happy that you came in to my life. You make me smile every single day, you make me become a better person,” saad ni Brian.

At dahil sa C0VlD at mga quarantine guidelines, ay hindi sila nagkikita. Pero sa kabila nito ay masaya pa rin si Brian dahil nagkakausap naman sila sa cellphone.
“Although it’s quarantine and hanggang video call lang tayo, okay lang sa akin yun, seeing you is enough for me already to make me smile,” dagdag pa ni Brian.
“You are amazing baby. You are special, that is why I’m proud to tell the whole world that you are my girlfriend, the love of my life because I have never seen a girl like you in my life. You are perfect in my eyes. I love you so much baby. I will always be here by your side, supporting you and trying to make you smile,” pagpapatuloy pa niya.

Lagi namang nakasuporta si Brian sa kanyang nobya lalo na at pareho sila ng talento at industriya.
Maging si Ella naman ay nagpost na suot niya ang T shirt ni Brian na tila kilig na kilig din. Lahat naman ay kilig na kilig sa kanila at sana all na lang talaga ang masasabi mo.