Claudine Barretto, ibinahagi ang masayang selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak na si Sab

Isa sa mga iconic stars mula pa man noon at hanggang ngayon ay ang aktres na si Claudine Barretto. Siya ang isa sa mga labis na tinitingala dahil na rin sa kanyang galing sa pag-arte.
Sa paglipas ng panahon, isa sa mga kilala sa kanyang buhay ay ang kanyang pamilya. Lalo na ang kanyang panganay na adopted child na si Sabina.

Credit: Claudine Barretto instagram

Si Sabina ay kilala bilang isa sa mga pinakamamahal na anak ni Claudine. At mabilis talaga ang panahon, dahil ngayon ay dalaga na ang kanyang anak na si Sabina.
Nagdiwang si Sabina ng kanyang 17th birthday. Sa kanyang kaarawan ay makikita ang napakasayang si Sabina. Mula sa kanyang BTS-themed birthday party ay talagang masaya si Sabina maging kanyang mga kaibigan at pamilya.

Credit: Claudine Barretto instagram

At kapansin-pansin ang isa sa mga nasa larawan. Bukod kasi sa napakalaking ngiti ni Sabina, makikita ang kanyang kasama sa larawan. Akala ng iba ay kapatid niya ito at siya si Santino.
Pero nang magtanong na ang mga netizens, marami ang nagsabi na ang nasa larawan ay hindi si Santino, kundi boyfriend ni Sabina. Kaya naman, marami tuloy mga fans at netizens na kilig na kilig sa young couple na ito.

Credit: Claudine Barretto instagram

Marami din tuloy ang umusisa at nakumpirma na pinayagan na ni Claudine ang kanyang anak na si Sabina na magkaroon ng kasintahan. Bagamat 17 pa lang si Sabina, pinayagan na siya ni Claudine at wala namang problema dito.

Credit: Claudine Barretto instagram

Kaya naman, sa IG post na ito nakilala si Raffy Antonio, ang boy friend ng kanyang anak na si Sabina.
“That’s NOT SANTINO. That’s Raffy, Sabs’ boyfriend. Saint doesn’t want his pictures taken,” komento ni Claudine Barretto sa mga netizens na nagtatanong.

Credit: Claudine Barretto instagram

Makikita naman sa IG at social media ang iba’t ibang mga larawan ng kanyang birthday party na talagang nagbigay ngiti kay Sabina. Pero, syempre isa na ngayon sa mga nagbibigay ng ngiti ay ang kanyang kasintahan.

Credit: Claudine Barretto instagram