Coleen Garcia, ibinahagi ang first trip ng kanilang anak na si Amari sa beach na napakacute talaga

Bawat minuto, oras at araw ay talagang hindi pinapalagpas ng isang magulang ang pakikipaglaro, pag-aasikaso at pagsubaybay sa kanilang mga anak habang bata pa lalo na kung baby pa ito.
Bukod kasi sa dapat naka monitor sila, mabilis lang lumipas ang panahon at siguradong paglaki nila ay mamimiss nila ito.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Gaya na lamang ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na tutok na tutok sa kanilang Baby Amari. Lumalaki na ito at ngayon ay pausbong ang kanyang mga ngipin. Apat na buwan na si Baby Amari at umuusbong na ang kanyang mga baby teeth. Pabiro pang sabi ni Coleen, “please don”t hurt mommy”

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa ngayon, masayang masaya na nagbabakasyon ang pamilya Crawford sa napakagandang tanawin at beach sa La Union. Deserve na deserve nga naman nila ang bakasyon matapos ang lahat. At syempre, laging si Baby Amari ang bida sa kanilang mga posts sa IG at social media.

Isa sa mga ibinidang post ay ang larawan ni Amari na naka upo sa may buhangin kasama ang kanyang mommy Coleen.

Ito pala ang unang beses na kung saan umapak sa buhangin si Amari. “Amari’s first time to feel sand! 😍 So happy he finally gets to explore the world around him, little by little. 💙,” lahad ni Coleen.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa short video pa na kanilang na share sa atin, enjoy na enjoy si Amari na sumipa at tumalpak sa buhangin ng dagat. Nakakawili ding panoorin ang mga matatambok na paa ni baby.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Alam na alam mong excited na excited na siyang umapak dito. At siguradong kung makakapaglakad o makakatakbo na siya ay ginawa na niya ito. Iba talaga pag may bata, nakakagigil at nakakawala ng pagod, na siyang siguradong nararamdaman ng mag-asawang Billy at Coleen.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Kaya naman, laging nakaabang ang mga netizens sa kanilang mga posts mula sa kanilang pamilya.