Coleen Garcia, ibinahagi ang nakakatuwang litrato nilang mag-asawa habang nangungulit si Baby Amari

“BiCol,” hindi na lang iyan isang lugar kundi ang tambalang nauwi sa masayang pamilya. Sila ang mga artistang Billy Crawford at Coleen Garcia. Nagkakilala si Billy Crawford at Coleen Garcia sa noontime show na “It’s Showtime”.

Credit: @coleen Instagram

Nagsimula lamang sila bilang magkaibigan. Mula sa pagiging co-host sa It’s Showtime, sila ay naging magkaibigan hanggang sa maging magkasintahan. Nauwi ang lahat sa simbahan. Sila ay nagpakasal at nagbunga na ang kanilang pagmamahalan, si Baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Todo kilig ng lahat sa BiCol. Makikita ang chemistry sa kanilang dalawa. Ngayong dumating na si Baby Amari, mas makikita ang ganda at saya ng kanilang pamilya. Isa nga namang inspiring family ang pamilyang ito. Sila ay masasabing modelo at inspirasyon sa iba.

Credit: @coleen Instagram

Ngayon naman, lumalaki na si Baby Amari. Habang lumalaki si baby ay makikita na ang kakulitan at kabibohan ni Baby Amari. Bibong bibo si Amari, at sa sobrang kabibohan ay nakiki photob0mb na siya sa pictorial ng kanyang mga magulang.

Makikita kasi sa larawan na mayroong pictorial moments si Billy at Coleen. Sweet na sweet ang mag-asawa hanggang sa nakisama na rin si Baby Amari. Napakacute nga nilang makita kaya naman ang couple pictorial ay naging family pictorial na.

Credit: @coleen Instagram

Nakakamangha ang kanilang pamilya. Makikita ang pag-aalaga at pag-aaruga ni Billy at Coleen para sa kanilang anak. Sa paglaki ni Baby Amari, tunay na puno ng pagmamahalan ang kanyang nararamdaman mula sa kanyang mga magulang.

Marami ang natuwa at naaliw sa larawan. Ilan dito ay mga artistang sina KC Montero, Gretchen Fullido, Kryz Uy, Rachelle Ann Go at marami pang iba. Siyempre maging mga netizens ay nagkomento at nagpaabot ng papuri sa pamilya:

Credit: @coleen Instagram

“Awwww beautiful coleen with lovely baby amari😍”

“Motherhood becomes you coleen, you are more beautiful and “h0t”