Coleen Garcia, masayang nagpicnic kasama ang cute na anak na si Amari sa Subic

Baby Amari, nakapag picnic na kasama ang kanyang mommy Coleen at daddy na si Billy Crawford.
Bilang celebrasyon sa kaarawan ni Billy Crawford ay nag picnic sila sa ACEA beach resort sa Subic. Eto nga ang unang pagkakataon na makapag picnic sila na kasama si baby Amari.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Sa mga larawan nga na ibinahagi ni Coleen sa kanyang social media ay makikita na enjoy na enjoy si baby Amari at inaalis pa ang suot na sandals nito para mas lalo nya ma feel ang damo. “Picnic day for this little guy! 🌞 Enjoyed our stay at @aceasubicbeachresort!” Ang sabi ni Coleen sa kanyang caption sa instagram post.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Nakakatuwa naman makita ang mga larawan ng mag-inang Coleen at baby Amari habang nakaupo ang mga ito sa damo. Mapapansin rin ang saya sa mukha ni baby Amari at talaga naman nakakag!gil ang pagiging cute ni baby Amari.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Marami nga ang natutuwa sa fans ng pamilyang Crawford lalo na tuwing may bagong larawan at video si baby Amari na binabahagi ng kanyang mommy Coleen at daddy Billy sa kanilang social media.
Madalas rin naman makipag laro sina Coleen at Billy kay baby Amari at eto na rin ang kanilang nagiging bonding bilang isang pamilya.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

 

May video nga si Billy kasama si baby Amari kung saan tinuturuan nya ito mag piano buhat ito, at tuwang tuwa naman si baby Amari. Samantala, nag bahagi naman si Billy sa instagram ng larawan nila magkasama ni Coleen kung saan nakah@lik ito sa may noo ni Coleen, Narito ang sinulat ni Billy sa kanyang caption,

“Im so thankful for this one! I love you my love. You are the best gift any husband could have! Amari is icing on the cake.” “Btw I love @aceasubicbeachresort so peaceful, beautiful and people are so nice! Definitely will be back” Dagdag pa niya.