Coleen Garcia, may nakakatouch na mensahe sa birthday ng kanyang asawa na si Billy Crawford

Nagdiwang si Billy Crawford ng kanyang 39th birthday. Siyempre, siguradong masaya ang kanyang kaarawan lalo na kasama niya ang kanyang mga mahal at mahalaga sa buhay, walang iba kundi ang kanyang pamilya.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Nagpaabot ng pagbati ang kanyang may bahay na si Coleen Garcia. Napakasweet nga naman talaga ni Coleen sa kanyang sweet message para sa birthday ni Billy. Kalakip ng kanyang pagbati ay ang video ni Billy na kasama ang kaniyang anak na si Baby Amari. Lubos na pinasalamat ni Coleen ang asawa sa pagiging isang responsableng ama sa kanila.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

“Happy birthday to the love of my life, and Amari’s #1 hero! Thank you for always making us laugh and smile the way you do. We both love you so much, love! Thank you for being you. Every day with you is a blessing,” pahayag ni Coleen.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Billy sa asawa lalo na at sinabi pa niya na siya ang perfect “m3dicine” sa tuwing siya ay n@gk@kasak!t. “I adore both of you! Thanks so much for the best baby and video EVER! Hehe. Best m3dic!ne even if you ain’t s!ck,” saad ni Billy.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Pinasalamatan din niya si Coleen sa kanyang pagiging matiyaga sa kanya, “Thank you for being patient with me and thank you for your love! Super Blessed husband. Thank You Jesus,” patuloy pa niya. Kaya naman, masayang masaya ang kaarawan ni Billy dahil siguradong kumpleto na ito sa kanyang mag-ina.

Maging mga kaibigan ni Billy sa industriya ay nagpaabot din ng pagbati sa kanya gaya nila
Vhong Navarro, DJ at record producer Chris Lopez. Talaga nga namang marami ang nagmamahal kay Billy. Mula sa kanyang pamilya, kaibigan at maging mga fans na bumati din sa host.

Matatandaang nagsimula lamang na magkatrabaho sa It’s Showtime si Billy at Coleen hanggang sa sila ay maging magkasintahan at nauwi sa kasalan ang lahat.