Coleen Garcia, pinakita ang kanyang cute na cute na litrato na talagang hawig ng kanyang anak na si Baby Amari

Ang sikat na aktres, host at model na si Coleen Garcia-Crawford ay nagpost ng kaniyang throwback picture niya noong siya ay bata pa lamang sa kaniyang Instagram account.

Napakacute ng pose ni Coleen sa litrato niya na may dala dalang mga stuffed toys habang nakadila sa camera. Kitang-kita sa litrato ang labis na pagkakahawig nila ng kaniyang anak na si Amari sa litrato. Tila ba ay isang mini me ni Coleen si Amari.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Todo suporta naman ang asawa ni Coleen na si Billy Crawford sa litratong ipinost ng aktres. “You’re too cute!,” ayon sa komento ng kaniyang mister. Napakasweet nga naman ng mag-asawa at halatang inlove na inlove sila sa isa’t isa.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Mayroon ring komento galing sa aktres na si Denice Laurel sa nasabing post ni Coleen at ito ang nakasaad, ”What a cutie💖” agree naman tayo kila Billy at Denice na napakacute talaga ni Coleen sa litrato. Simula bata pa lamang siya ay hindi na maipagkakaila ang kaniyang angking kagandahan.

Maraming komento ang mga netizens sa throwback ni Coleen at narito ang ilan sa mga ito:

“Kamukha mo yung batang trending ung nangbblow ng kandila sa cake ng kapatid nya.”
“Parang Disney princess! 😍”
“Amari’s girl version! 😍”

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Marami rin namang nagsasabi na girl version umano ni Amari si Coleen noong siya ay bata pa. Alam na ng mga Netizens kung sino ang pinagmanahan ni Amari.

Si Amari ay ipinanganak ni Coleen noong Septembre 10 at siya ang panganay ng mag-asawang Coleen at Billy Crawford.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Maraming mga updates sa social media accounts ng mag-asawa patungkol kay baby Amari at sa kanilang pamilya kaya naman labis ang suporta at pagsubaybay ng mga fans sa updates sa kanilang pamilya.