Comedian na si Kiray Celis, sinurpresa ang kanyang ama ng 62k pesos para sa ika-62 taong gulang nito

Literal na money cake na gawa sa 62 na tig-iisang libong piso ang regalo ni Kiray sa kaniyang ama para sa ika-62 kaarawan nito. Nagpost ng larawan sa kaniyang Instagram account ang aktres na si Kiray Celis noong kaarawan ng kaniyang ama.

Credit: Kiray Celis instagram

“Naalala niyo po ba nung 56th birthday ni mama, may 56 thousand siya. At dahil walang kainggit inggit sa katawan ang papa ko.. pinangarap rin niya sa 62nd birthday niya na magkaroon ng 62k! Oh eto na! LITERAL NA MONEY CAKE! Pero bago ko siya sinurpresa, panuorin niyo muna sa vlog ko yung pr@nk ko sakanya! HAHAHAHA! Link in bio!

Credit: Kiray Celis instagram

Salamat @acmcsweets sa mga cakes na ito! The best kayo!” ang sabi niya sa caption ng post.
Sa vlog ni Kiray sa kaniyang YouTube channel ay pinakita niya kung paano niya sinurpresa at pinr@nk ang kaniyang ama bago ibigay ang tunay nitong money cake.

Credit: Kiray Celis instagram

Sa vlog ay binigyan niya muna ito ng dalawang cake, noong hilain niya ang unang cake ay naglalaman ito ng mga papel na may nakasulat na “HAPPY BIRTHDAY PAPA WE LOVE YOU!” umaktong tila n@iy@k ang ama na naging dahilan ng malakas na pagtawa ng ina ni Kiray.

Credit: Kiray Celis instagram

Sa sumunod naman na cake ay 62 na Happy Peanuts ang laman nito, “dahil nag-expect siya ng money cake, meron siyang mani cake,” tumatawang sabi ni Kiray sa vlog na naging dahilan ulit nang pagtawa ng kaniyang ina at iba pang kasama sa video at sabay sabay silang sumigaw ng “it’s a pr@nk!”

Credit: Kiray Celis instagram

Nang tanungin ni Kiray kung ano ang masasabi ng kaniyang ama, “nakakatuwa na hindi,” ang sagot nito kaya naman hindi paipagkakaila ang kaniyang tuwa nang ibigay ang tunay nitong money cake.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na ginawa ito ng aktres dahil noong ika 56 na kaarawan din ng kaniyang ina ay binigyan niya rin ito ng P56 000.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)