Cute na cute na bunsong anak ni Bangs Garcia na si Isabella, nagdiwang ng kanyang ika-11 months na kaarawan

Napakarami sa mga celebrities ngayon ang nabibigyan ng walang katumbas na biyaya sa kanilang mga buhay at ito ay ang kanilang mga anak. Hindi naman pinapalampas ibahagi ng mga celebrity parents ang cuteness ng kanilang mga babies kaya ibinibida nila ito sa kanilang mga Social Media accounts.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Mapapansing parami nang parami ang mga celebrity babies ngayon na hindi mapigilang panggigilan at abangan ng mga netizens sa iba’t ibang mga platap0rma. Kasabay ng pagdami ng mga celebrity babies ay ang pagdami rin ng mga tagasuportang netizens na nais masaksihan ang journey ng mga cute babies na ito.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Sino nga ba naman ang hindi mapapangiti pag nakakita ng mga malalaki at magagandang smile ng kahit sinong baby. Tulad ng ibang mga celebrity moms ibinibida rin ni Bangs Garcia ang kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga iba’t ibang pictures na captured moments ng mga ito sa kaniyang Instagram Account.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Nakasanayan rin ng mga mommies na ipinagdiriwang ang kada-buwang birthday ng mga anak simula nang mapanganak sila hanggang sa mag-1 year old ang mga ito. Noong July 21 lang ay tumuntong sa ika-11 buwan ang pangalawa niyang anak na si Isabella Garcia Birchmore sa Filipino-British husband na si Lloydi Birchmore. May caption ang post niya na “Happy 11 months to my little munchie booboo!”. Ipinanganak si Isabella noong July 21,2020.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Naka-tag rin ang sariling Instagram Account nito na “@isabellabirchmore” na kung bibisitahin ay cuteness overload ang makikita. Punong-puno ito ng mga ngiti ni baby Isabella pati na rin ng mga kikay pictures niya. Masasaksihan rin dito ang paglaki ni Isabella dahil nakapost dito ang mga pictures niya simula noong kapapanganak pa lang niya. Kasalukuyang mayroong higit 15k followers ang kaniyang account.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Matatandaang ini-reveal ng aktres na si Valerie “Bangs” Garcia at asawang Lloydi Birchmore na may dumagdag sa kanilang lumalaking pamilya noong Valentine’s Day sa taong 2020, at ayon nga ang kanilang second child na si Isabella.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore instagram

Nagpost si Bangs ng picture nilang mag-asawa kasama ang kaniyang panganay na anak na si Amelia na may hawak na ultrasound photo na may caption na “The love in our family is tremendously growing as another bundle of joy is coming our way. Happy Valentine’s Day, Loves!!”. Inannounce ni Bangs ang kaniyang pagbubuntis noong February 2020 kung saan siya ay 4-months pregnant na.