Cute na cute na mga litrato ni Baby Millie Panlilio, kinagiliwan ng kanyang mga fans

Napakacute nga naman ng baby ng couple na sina Dani Barretto at Xavi Panlili0. Ang kanilang unica hija na si Camilla Marguerite Panlilio o kilala din bilang si baby Millie ay makikita sa kanyang napakacute na IG photo.

Credit: @milliepanlilio instagram

Punong puno ng mga cute photos ang IG ni Dani dahil napuno ito ni Baby Millie. Sa kanyang latest IG pic, akala mo ay dalaga na si Baby Millie. Talagang marunong magpose at umawra itong si Baby Millie.

Credit: @milliepanlilio instagram

Nagmana talaga siya kay Dani pagdating sa kamera. Alam niya na nahahagip siya ng kamera kaya todo ang pagpapacute nya dito.

Credit: @milliepanlilio instagram

Samantala, noong Agosto naibahagi din ni Dani ang online class experience ni Millie. Tila nag eenjoy naman si Millie sa kanyang experience at makikita kung gaano ito kasaya.

Credit: @milliepanlilio instagram

“Today was Millie’s first day of online school. I still can’t believe I’m saying that, our little girl’s going to school now!,” saad ni Dani. Sa isang post ni Dani dito, nagkomento din siya na tila di daw ito ang kanyang best look.

Credit: @milliepanlilio instagram

“This is not my best look, bagong gising pa ko diyan, but it is my proudest moment!” Paglalarawan ni Dani, napaka “attentive at excited” sa kanyang online class. Kaya naman, napakasaya at emosyonal ni Dani at Xavi sa pagaaral ni Millie.

Credit: @milliepanlilio instagram

“We’re so proud of you, Mill! You did so well on your first day! We love you so much!” saad ni Dani.
Kahit nga naman sinong magulang ay matutuwa at magiging proud sa kanyang anak kapag nakikita mong nakaka achieve sila ng iba’t ibang mga bagay.

Credit: @milliepanlilio instagram

Sa latest IG picture na ito, maraming mga netizens ang nag react na talagang napakacute ni Baby Millie. Agree ang lahat na nakakagigil lalo na at napakagaling mag project sa kamera ni Baby Millie. Bumuhos din ang mga komento at papuri ng mga netizens sa kanya.

Credit: @milliepanlilio instagram