Cute na cute na si Baby Fiore, 10 months old na!

Matatandaang labis na saya ang naramdaman ng magaling na aktres na si Assunta de Rossi nang ibalita nito sa publiko ang magandang balita na buntis ito noong Mayo sa taong 2020 dahil ito ang unang beses na magkakaroon ito ng anak sa 16 taong kasal sa kanyang asawa na si Jules Ledesma.

Credit: Sammy Whammy instagram

Kaya naman hindi matutumbasan ng kahit ano ang saya sa puso at excitement na nararamdaman ng aktres dahil ito ang kanyang first ever baby matapos ang matagal na panahon sa kanyang buhay may asawa.

Credit: Sammy Whammy instagram

Hindi na rin lingid sa mga netizens na may edad na rin ito kaya naman hindi naging madali sa aktres ang naging pagbu-buntis nito. Hindi lamang dahil sa kanyang edad kung hindi mayroon ding itong dinaramdam na may0m@ at 3nd0metri0s!s kaya mas naging mahirap sa aktres ang kanyang pregnancy journey.

Credit: Sammy Whammy instagram

Sa kabila ng dinaramdam at hindi maadaling proseso ay matagumpay at safe na safe namang naipanganak ni Assunta ang kanyang first baby na tinatawag nitong ‘miracle baby’ dahil marami itong pinag-daanan bago ito nagkaroon ng anak lalo na at sa kanyang kondisyon ay healthy na lumabas pa rin ang bata.

Credit: Sammy Whammy instagram

Nasilayan nila sa unang pagkakataon ito noong Oktubre sa parehong taon na kaagad nitong ipinabatid at ibinahagi sa publiko. Isa itong baby girl at ipinangalanan nila ito bilang Baby Fiore. Ngunit hindi lamang pala si Assunta at ang kanyang asawa ang excited na excited na magkaroon ito ng baby dahil pati ang kilala at magaling na aktres na si Alessandra de Rossi ay matagal nang nagdadasal upang magkaroon ang kanyang ate ng isang anak.

Credit: Sammy Whammy instagram

Simula noon ay mapapansin sa mga Instagram account ng magkapatid na talagang hands-on tita si Alessandra sa kanyang pamangkin dahil lagi itong nakikipag-laro kay Baby Fiore. Tuwang-tuwa talaga ito sa kanyang pamangkin at feel na feel nito ang pagiging hands-on tita. Kamakailan-lamang ay nagbahagi si Alessandra sa kanyang Instagram account ng letrato ni Baby Fiore upang ipagdiwang ang kanyang ika-sampung buwan.

Credit: Sammy Whammy instagram

Napaka-bilis nga naman ng panahon at 10-month-old na si Baby Fiore at isa sina Alessandra at Assunta ang hindi maka-paniwala rito dahil unti-unti nang mapapansin ang pag-laki ni Baby Fiore sa mga post ng magkapatid. “10 months of quarantine for Fioringning! We love you #fiorever” saad ni Alessandra sa kanyang caption.


Credit: Sammy Whammy instagram

Makikita sa letrato ang cute na cute na si Baby Fiore habang may hawak pa itong papel na may nakasulat na “I am 10 months old” inosenteng-inosente itong naka-upo kasama ang kanyang mga paboritong stuffed toy.