Cute pictures ng anak ni Angelica Panganiban, kinagiliwan ng mga netizens

Nag-upload si Angelica Panganiban sa kanyang IG account ng cute na cute na litrato ng kanyang unica hija nila ng kanyang fiancé na si baby Amila Sabine. Sa post, kitang kita si baby Amila kasama ng kanyang mommy na super enjoy sa kanyang first sunset sa Subic.

Credit: @iamangelicap Instagram

Ani Angelica sa caption, “Our lil captain enjoying her first sunset on yapak”. Inupload ito last December 8 at umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa netizens at celebrity friends ni Angelica. Napuno ng warm responses ang picture na ito ni baby Amila wearing her cute pink dress.

Kasama na sa mga kilalang personalidad ang nagcomment sa IG post na ito ni Angelica sina Isabel Oli Prats, Mae Cruz Alviar, Gang Manila, Mark Nicdao, at Darla.

Credit: @iamangelicap Instagram

Simula nang ipanganak si baby Amila noong September 20, 2022 ay siya na ang laman ng IG posts at IG stories ni mommy Angelica. Una siyang ipinakilala sa mundo last September 23, 2022, 3 days pagkatapos niyang ipanganak. “Bean waiting for you all my life.” ‘Yan ang caption ni Angelica sa kanyang IG post noong ipinakita niya ang tila ‘sneak peak’ kay baby Amila sa kanyang pretty blue eyes.

Credit: @iamangelicap Instagram

Umani ito ng positive reactions and congratulatory messages and emojis mula sa celebrity friends gaya ng Kapamilya stars na sina Zanjoe Marudo, Elisse Joson, Janine Guttierez, Barbie Imperial, Charlie Dizon, Maxene Magalona, at Ryan Bang. Gayundin ang Kapuso stars na sina Marian Rivera, Jasmine Curtis-Smith, Camille Prats, at Ryan Agoncillo, na nagpahatid din ng positive messages kay baby Amila.

Credit: @iamangelicap Instagram

Sina Alyssa Valdez, Chito Miranda, Ryza Cenon, Neil Arce, Charlene Gonzales, Ariella Arida, Kean Cipriano, Kakai Bautista and Cai Cortez ay nag-iwan rin ng congratulatory messages. At nagkaroon naman sila ng gender reveal sa kanilang Youtube Vlog. Sa parehong website naman din nag-announce noong October 8, 2022 ang couples na sila ay engaged na.

Credit: @iamangelicap Instagram

Tila nga ba napakabilis ng mga pangyayari at ngayon ay mayroon na silang napakagandang baby girl na makakapagpabago at mas makakapagpaganda ng kanilang araw-araw na buhay bilang mommy at daddy!

Credit: @iamangelicap Instagram

Congratulations, mommy Angelica at daddy Gregg!