Danica Sotto-Pingris, may sweet na birthday message sa kanyang ate ange na kanyang kasama simula nung teenager sya

Noon pa man ay kilalang- kilala na ng mga pilipino si Danica Sotto-Pingris na anak ng aktor na si Vic Sotto at ang dati nitong asawa na isa ring artista na si Dina Bonavie. Ang mga kapatid naman nito sa ina niyang si Dina ay sina Oyo Boy at Fathima Sotto na may kanya- kanyang pamilya na rin tulad niya.

Credit: Danica Sotto-Pingris instagram

Si Danica ay asawa ng dating PBA player na si Marc Pingris na kamakailan- lamang nag-retire sa pagiging basketball player matapos ang 16 taon na paglalaro nito. Mayroon naman silang dalawang anak na sina Jean Michael Pingris at Anielle Micaela Pingris.

Credit: Danica Sotto-Pingris instagram

Simula pa noong bata pa si Danica ay lumaki na ito sa mundo ng showbiz dahil sa kanyang mga magulang. Una nila itong nakilala sa palabas na Fantastic man noong 2003. Masayang – masaya ang pamilyang Pingris kahit 14 taon nang kasal ang mga ito. Nito lamang Sabado ay nagpost si Danica sa kanyang Instagram post ng isang picture kasama ang kanyang matagal na kasamahan sa bahay na si Ate Ange.

Credit: Danica Sotto-Pingris instagram

Hindi pinalagpas ng dating aktres ang pagbati at pagbabahagi sa kanyang Instagram post ng pasasalamat nito kay Ate Ange at kung gaano ito kasaya na hanggang ngayon ay kasama niya pa rin ito sa buhay kahit na may asawa at anak na ito.

Credit: Danica Sotto-Pingris instagram

Ayon sa caption ni Danica sa kanyang post ay simula pa lamang noong teenager siya ay kasa – kasama na niya si Ate Ange. Magmula sa mga shoots, taping ay kung saan- saan na sila nakarating kasama siya. Si Ate Ange rin umano ang napap@gal!tan sa kanyang ina kapag umuuwi si Danica ng late dahil sa pag – gigimmick noon.

Credit: Danica Sotto-Pingris instagram

“Thank you walang sawang pagmamahal at pag alaga mo saakin noon hanggang ngayon hanggang pati sa mga anak ko. Love you!!!” dagdag nito sa kanyang caption. Hanggang ngayon ay kasama pa rin ni Danica ang kanyang kasa – kasama noong bata pa siya at noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz. Tunay ngang napaka- tagal na nilang magkasama at mararamdaman mismo ang kanilang bond at kung gaano nila kakilala ang isa’t isa.

Mararamdaman din sa post ni Danica kung gaano kalaki ang kanyang pasasalamat kay Ate Ange dahil sa tagal na ng kanilang pag- sasama. Ibinahagi rin ni Danica sa kanyang caption na pangalawa si Ate Ange sa mga unang nakakita ng engagement ring nito at pangalawa rin sa mga sinabihan ni Marc noong magpo – propose na ito kay Danica.

 

Credit: Danica Sotto-Pingris instagram

“Kaya pala when I saw her that time parang maluha siya pag labas ng dressing room.” Pahabol pa nito.