Daniel Padilla, nagbalik tanaw kung paano nya niligawan si Kathryn Bernardo at sinabing dumaan sya sa butas ng karay0m

Nagkaroon ng mga usap-usapan noon na ikakasal na daw ang Teen couple na sina Kathryn at Daniel dahil sa mga nagkakalat na mga wedding related posts sa kanilang IG. Pero, kalaunan ay nalaman na ito pala ay para sa kanilang bagong proyekto na “The House Arr3st of Us”.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Pero, sa isang pahayag ni Daniel ay nabanggit niya na isa sa mga linolook up niya ay ang kasal nila ni Kathryn, 3 to 5 years from now.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Kaya naman, hindi maiwasan ni Daniel na magbalik tanaw sa nakaraan kung paano sila nagsimula ni Kathryn. Dito ay naikwento ni Daniel kung paano siya naging close sa pamilya ni Kath.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

“Umabot na naman ako dun. Bago naman naging kami ni Kathryn nanligaw ako sa kanya ng tama. Bumibisita talaga ako sa bahay niya at hindi naman kaagad lahat dun, hindi lahat ng pamilya ni Kathryn eh botong boto sa akin. Hindi. Talagang dumaan ako sa butas ng karay0m. Siyempre hindi mo naman puwede madaliin na magustuhan ka kaagad,” saad ni Daniel.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Ayon pa kay Daniel, ipinakita lang daw niya kung sino talaga siya at habang tumatagal ay lumalalim ang kanilang samahan, hindi lang ni Kath kundi maging pamilya niya.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

“Si Tita Min ang ermat ni Kathryn grabe yun mag-alaga sa akin nung mga panahon na may sakit ako. Grabe yun mag-alala sa akin. Yun ang nagdadala sa akin sa 0spital. Hanggang ngayon, talagang pag bumibisita ako dun, paghahandaan ako ng pagkain,” kwento pa ni Daniel.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

Tinanong din kay Daniel kung kamusta naman ang pagtatrabaho nila ulit ni Kath. Hindi ba sila nagadjust o nagkapaan dahil da tagal na rin na magksama sila sa proyekto.

Credit: Kathryn Bernardo instagram

“Siguro yung hindi kami nagtrabaho ng isang taon oo pero isang buwan lang naman kami hindi nagkita din so parang hindi naman din siya ganun katagal. Siyempre yung kapaan, mas kapaan nung craft kasi siyempre sa simula na mapapanuod niyo may relationship na kami ni Kathryn,” pahayag ni Daniel.

Kaya naman, excited na excited na ang lahat sa The H0use Arrest Of Us at sa magiging journey pa ng KathNiel.