Desiree Del Valle, masayang ibinahagi sa mga netizen na sya ay 17 weeks ng nagdadalang tao

Maraming tao ang naghahangad at naghihintay na magkaroon ng isang biyaya mula sa may kapal at isa na rito ang dating aktres na si Desiree Del Valle at ang kanyang asawa na si Boom Labrusca.
Ngunit ngayong Mayo lamang ay ibinahagi ng mag-asawa ang magandang anunsiyo sa isang post ng aktres sa kanyang Instagram account.

Credit: Boom Labrusca instagram

 

Labis ang pasasalamat ng aktres sa biyayang kanyang natanggap mula sa Diyos. “Believe in what you Pray for… “At the right time, I, the Lord will make it happen” Isaiah 60:22” ang caption ng aktres sa kanyang Instagram post kasama ang bikini pictures nito na halatang-halatang na ang baby bump.
“We found out April 22, 2021. 17 weeks & counting. Thankyou Mom & Den for my Birthday Cake and fruit basket❤❤❤. Salamat po Ama🙏🏻 ” saad pa nito.

Credit: Boom Labrusca instagram

Inamin ng aktres na noong Abril pa niya nalaman na siya ay nagdadalang- tao pala ngunit kamakailan-lamang niya ito ipinabatid sa mga netizens. Labis talaga ang kanyang pasasalamat sa pagbubuntis nito.

Credit: Boom Labrusca instagram

“Can’t wait to see you baby❤ Btw it is also my darling’s b-day today. So Happy happy bday to my bestfriend, my wife, my Life ❤❤❤” tuloy pa niya sa kanyang caption. Mararamdamang s@bik na s@bik na si Desiree na makita at mahawakan ang kanyang anak at hindi na umano ito makapag-hintay.

Credit: Boom Labrusca instagram

“Sa isang panayam ng aktres sa Star Magic Inside News ay bakas kay Desiree ang magkahalong emosyon nang ikuwento niya ang mga naganap noong unang beses nilang malaman ng asawa na siya ay buntis.

Credit: Boom Labrusca instagram

Ayon kay Desiree, noong nakita nila ang resulta sa kanyang pregnancy test ay labis ang kanilang saya. may halong tawa at iyak ang naging reaksiyon nilang dalawa. Inamin nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Desiree na siya ay nagdadalang-tao na. Makikita sa panayaman na naging emosyonal ito sa pagkukwento.

Credit: Boom Labrusca instagram

“Sobrang happy ko, sobrang ang lakas lakas ng heartbeat niya.” Kuwento niya sa kanyang pag-bubuntis. Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na may dinadala siyang tao sa kanyang sinapupunan at kung paano ito nabuo sa kanyang tiyan.

Credit: Boom Labrusca instagram

“Sobrang happy, sobrang thankful. Iba ‘yung feeling.” Dagdag pa niya. Talaga namang nangingibabaw ang saya ng aktres dahil ito ang kauna-unahan niyang anak kaya naman kaagad niyang itinigil ang kanyang mga bisyo nang malaman niya na siya ay buntis.

Credit: Boom Labrusca instagram

Ipinabatid naman ni Desiree na hindi muna siya tatanggap ng anumang proyekto simula ngayong Hunyo upang makapag-focus at maging maingat ito sa kanyang pag-bubuntis.