Diego Loyzaga, may nakakakilig na surpresa sa girlfriend na si Barbie Imperial na talagang mapapa sana all ka talaga

Gusto mo bang kiligin sa kanilang hatid na kakaibang chemistry at ang kanilang bagong pagmamahalan na siyang laging inaabangan ng karamihan ay iyong masasaksihan na ilang minuto pa lamang ang nakakalipas.

Credit: Barbie Imperial instagram

Muli na namang pinakilig at pinasaya ng aktres na si Barbie Imperial at kasintahan nito na isa ring aktor na si Diego Loyzaga ang publiko sa isang munting sorpresang inihanda ng aktor para kay Barbie.

Credit: Barbie Imperial instagram

Sa larawang ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram ay makikita ang kaniyang mga larawan, kasama na din ang munting pasilip sa sorpresang ginawa sa kaniya ni Diego sa kaniyang pag-uwi.

Credit: Barbie Imperial instagram

“Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga 😭 you’re the best. Thank you my love @diegoloyzaga πŸ₯°πŸ–€”

Makikita sa larawan na punong-puno ito ng mga dekorasyon na siyang nagsilbing isang white-themed ang naisipang disenyo para sa sorpresang ginawa kay Barbie.

Credit: Barbie Imperial instagram

Magmula sa sahig at kama ng aktres ay makikita na ang mga nagkalat na puting petals, balloons at pati na rin ang ang mga puting kandila ay nandito din.

Pagdating naman sa kisame ay kapansin-pansin din ang mga nakasabit na mga puting lobo na siyang makikita din sa mga dulo ng mga ito ang mga sweet pictures na kuha nina Barbie at Diego na magkasama.

Credit: Barbie Imperial instagram

Mayroon ding lights na siyang makikita ding nakasabit sa wall na siyang nagbigay liwanag at kagandahan sa kwarto.

Tila’y ang sorpresa na ito ni Diego para kay Barbie ay hindi inaasahan ng aktres at hindi maitatanggi ang labis na kasiyahan na naramdaman nito ng makita ang ginawang effort sa kanya ng kasintahan.

Dahil dito ay marami na namang kababaihan ang napa Sana all at hindi napigilang magbigay ng komento patungkol sa masayang sorpresang ginawa ni Diego para kay Barbie.

“Sana all effortless paguwi ng jowa. napapacomment talaga ako diegbie. πŸ™ŒπŸ–€πŸ–€”

“Gusto ko lang naman mag Instagram Barbie bat kayo ganyan”

“Sana all na lang talaga πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜­πŸ˜πŸ˜πŸ˜”

“Sana all me sweet na jowa πŸ‘πŸ˜Š”

“Sana all! πŸ₯ΊπŸ₯ΊπŸ₯Ί Grabe kayo love you both ❀️❀️❀️”