Diego Loyzaga, pinakilig ang mga fans dahil sa super sweet na birthday message nya kay Barbie Imperial

“Love is really in the air” ito ang ipinapatunayan ng aktor na si Diego LoyzAga at Barbie Imperial dahil sa kanilang tumitibay at mas gumaganda pang relasyon.

Hindi na bago sa publiko ang relasyon ng dalawang magagaling na aktor at aktres dahil noong nakaraang New Year ay sabay mismong ini-reveal nina Diego at Barbie ang kanilang relasyon sa kanilang mga post sa kanya-kanyang Instagram account ng mga ito.

Credit: @diegoloyzaga instagram

Kaya naman maraming netizens ang kinilig sa naging pa-sabog ng mga ito sa mismong New Year’s Eve dahil parehong sinalub0ng ng mga ito ang bagong taon ng magkasama.
Matapos i-reveal ng mga ito ang kanilang relasyon ay mas naging sweet ang mga ito sa kanilang mga social media accounts at mapapansin kung gaano ka-saya ang mga ito sa isa’t isa.

Credit: Diego instagram

Kamakailan-lamang ay nagdiwang ang aktres na si Barbie Imperial ng kanyang kaarawan at siyempre hindi papahuli ang maganda at sweet na sweet na mensahe ni Diego para sa special day ng kanyang girlfriend.

Credit: Diego instagram

Kasama ng sweet at long message ni Diego para kay Barbie ay nagbahagi rin ito ng series of pictures nila ni Barbie sa kanyang Instagram account sa araw na iyon. Mapapansin sa mga letrato kung gaano ka-sweet at ka-lapit ang dalawa sa isa’t isa dahil mararamdaman na komportable talaga at masaya ang mga ito kapag magkasama.

Credit: @diegoloyzaga instagram

Makikita sa iilang mga pictures ang mga napuntahan na lugar ng dalawa kung saan talagang nag-enjoy ang mga ito.

Hindi rin mawawala ang mga random pictures ng mga ito habang ginagawa ang mga simpleng bagay na nagiging bonding nila pati na rin ang mga close-up pictures ni Barbie na talagang nagpapakita kung gaano ito ka-ganda sa harap o likod man ng camera, may make-up man o wala. Talagang tumitingkad ang kanyang natural na ganda.

Credit: @diegoloyzaga instagram

“To the love of my life, happiest 23rd birthday my baby, baby momma, baby ban*s mahal ko, I wish you all the best and happiness in the world. As generic as that is, I mean every word of it.” saad ni Diego sa kanyang caption.

Credit: @diegoloyzaga  instagram

Introduksiyon pa lamang ng caption ay talagang sweet na sweet na binati ni Diego si Barbie dahil sa kanyang maraming binanggit na endearment para sa kasintahan at kasunod nito ay ang pagbanggit ng mga magagandang wishes para sa special day ng kanyang special girl.

“That you keep on succeeding in everything you do and know that ill be right here by your side supporting you. Every tr!umph and every set back ill be holding your hand cheering you on! Another year older and another year wiser. Big things are in store for you my not so baby girl.” Dagdag pa nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Sino nga ba ang hindi kikiligin sa mensaheng hatid ni Diego para kay Barbie? Kaya naman marami ring netizens ang natuwa at hindi mapigilang kiligin sa bawat salitang sinabi ni Diego sa kanyang caption. Nabanggit din sa caption kung gaano ka-excited si Diego na maka-sama pa si Barbie sa mga susunod na araw, buwan at taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

“And im proud to be your guy, here with you through it all. Through thick and think, till d3@th do us part (luh?) im excited to spend your next birthday, next Christmas, and next new year with you and watch how we grow as a couple and as individuals.” Tuloy pa nito.