Dimples Romana, ibinahagi ang kanyang masaya at magandan baby shower

Dimples Romana, blooming sa kanyang pa baby shower para sa kanyang darating na si Baby Elio!
Kitang kita sa kanyang Instagram post ang tila hindi nagdadalang tao na si Dimples Romana habang ginaganap ang kanyang baby shower dahil blooming na blooming ito sa kanyang sky blue dress na sinakto sa tema ng mismong selebrasyon,

Credit: @dimplesromana instagram

“Morning morning from my FAhmeely of 5 (well almost 😜 Baby Elio coming in less than 5 weeks 😊☺️)” caption nya.

Credit: @dimplesromana instagram

Ang buong pamilya nga ay naroroon at game na game sa mga pa photo sh00t nila. Halata nga din ang tuwa ni Dimples sa paparating nga nilang blessing na si Elio, dahil ayon sa kanya ay” super nakakakilig na blessing” nga itong nagaganap nga sa kanila ngayong magpa pamilya. Lahat nga sila ay nakasuot nang sky blue na mga attire para idiwang ang baby shower na talaga nga namang pak na pak nilang napangatawanan at sobrang wholesome nga nang mga litrato na naibahagi.

Credit: @dimplesromana instagram

Makikita ang excitement nang bawat isa sa darating ngang si baby Elio na ilang linggo nalang ay dadating na sa kanilang pamilya.

Credit: @dimplesromana instagram

Marami naman sa mga netizen ang bumati talaga sa taglay na pagkaaliwalas at blooming na aura ni Dimples na hindi makakaila na talagang nakaka amaze dahil ilang weeks na lang din ang iniintay para lumabas si Baby Elio, “ang blooming mo po Mam Dimples”, “fresh buntis”, “Bakit mas maganda ka pag buntis ka @dimplesromana grabe naman”, “Gandang mama naman yarn!!!” at marami pa ngang iba na bumati sa buong pamilya at nagbuhos nang admiration sa kanila.

Credit: @dimplesromana instagram

Kamakailan lang nang nagpa photo sh00t nga itong si Dimples para ibida ang kanyang baby bump na talagang bonggang bongga nga nyang ginanapan, ito ay may tema nang iba’t ibang elemento; tubig, apoy, lupa, at hangin.

Credit: @dimplesromana instagram

Sa ngayon ay ilang linggo nalang at darating na nga si Elio ang panibagong dagdag sa kanilang pamilya, at paniguradong hindi tayo maiiwan para sa balitang ito dahil na din sa nasasabik na buong pamilya na hindi nakakalimutan ipamalita sa buong madla ang tungkol sa kanilang hinihintay na si Baby Elio.

Credit: @dimplesromana instagram

Tunay na isa ngang pagpapala ang mga anak sa mag aasawang talagang hiniling at pinaghandaan ang pagdating ng mga ito, sa huli isang pag bati sa buong pamilya para sa darating na bago nilang anghel.

Credit: @dimplesromana instagram