Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga, nagdiwang ng kanilang ika-6 na taon anibersaryo bilang mag-asawa

Isa sa mga celebrity couple na kilala at nananatiling matatag hanggang ngayon ay ang mag-asawang aktres na si Toni Gonzaga at direktor na si Paul Soriano. Matatandaang nagsimula lamang sila noong magkaibigan hanggang sa sila ay maging magkasintahan. Ngayon, ay ipinagdiriwang na nila ang kanilang 6th anniversary. Napakabilis, hindi ba?

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

Noong June 12, ay naipagdiwang nila ito at masayang masaya nga naman sila sa kanilang pagdiriwang. Kaya naman, sa social media ay nagpahayag ng mensahe si Toni para sa kanilang 6th anniversary.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

“Happy Anniversary @paulsoriano1017 Thank you for making my dreams come true,” saad ni Toni sa kanyang Instagram. Sa kanilang relasyon, makikita nga namang napakasaya nila lalo na noong dumating pa sa kanilang buhay ang kanilang anak na si Seve. Napakacute nga naman ni Baby Seve na talagang nagmana sa kanyang mga magulang.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

Maging mga kaibigan ni Toni at Paul ay bumati sa kanila sa social media. Narito ang ilan sa mga pagbati ng mga kaibigan nilang celebrity sa social media. “Happy 6!!” pagbati ni Bianca Gonzalez.
“Happy Anniversary! More blessings to your marriage!” Saad naman ni Bo Sanchez said.
“Happy anniversary!” Bumati din sa kanila si Iya Villania.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

At syempre, hindi rin naman nakalimot bumati ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga. Close na close si Alex at Toni sa isa’t isa kaya naman bumati din siya sa kanilang mag-asawa. “Happy wedding anniversary to my fave Sorianos! Love you!” pagbati ni Alex na kanyang pinost sa kanyang Instagram Stories.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram

Matatandaang ikinasal si Toni at Paul noong June 12, 2015 sa hometown ni Toni sa Taytay, Rizal.
At ngayon nga ay masaya si Toni at Paul kasama ng kanilang apat na taong gulang na anak na si Seve. Marami nga namang fans ang tuwang tuwa at mapapa sana all na lang talaga sa kanilang relasyon.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano instagram