Donnalyn Bartolome, masayang masaya na sya ay umabot na ng 14 million followers sa facebook

Sa bawat scroll sa social media, bubungad nga naman sa atin ang sandamakmak na mga vlogs.
Kumukumpleto na nga naman sa buhay ng mga netizens ang mga nakaka-aliw na mga vlogs na ito.
Napakarami ng mga Pinoy ang mga naging vloggers ngayon. Influencer man, politician, artista o maging ordinaryong tao. Lahat ay nagiging vlogger na.

Credit: @donna instagram

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa vlogger na si Donnalyn Bartolome? Talagang marami ang tumatangkilik sa kanyang mga vlogs dahil sa magaganda nitong content.
Kaya naman, masayang ibinahagi ni Donnalyn ang good news na hindi niya inasahan. Imbis daw kasi na mabawasan ay lalo pang nadadagdagan ang kanyang mga followers sa Facebook.

Credit: @donna instagram

Todo ang pasasalamat ni Donnalyn sa Panginoon dahil alam niyang siya lamang ang nasa likod nito. Wala nga namang ibang tumulong sa kanya para makamit ito kundi ang Panginoon.

Credit: @donna instagram

“14 Milli0n faceb00k f0ll0wers 💙 Imbes na mabawasan, nadadagdagan 😍 Ganito pala pag kakampi mo si Papa God. It’s true, He sees it all. From instagram to yt, he gave me m0re angels that is all of YOU!! He not only gave me supp0rters, He filtered them with kind, understanding human beings,” saad ng IG post ni Donnalyn.

Credit: @donna instagram

Nagpasalamat din si Donnalyn sa lahat ng mga netizens at followers niya na walang sawang sumusuporta at nanonood sa kanya. Talagang walang kupas ang kanilang suporta at pagmamahal kay Donnalyn.


Credit: @donna instagram

Saad pa ni Donnalyn,

“So let your heart change the world, don’t let the world change your heart. 🤍.”

Credit: @donna instagram

Nakakainspire nga naman ang mga katagang ito. Totoo na dapat ay huwag hayaan ang mundo na baguhin ang ating mga puso at buong pagkatao. Anuman ang ating mapagdaanan, manatili lamang tayo matatag. Dapat tayo ang manguna at tayo ang babago sa mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

Masaya naman ang mga netizens at followers niya para sa kanyang bagong milestone na ito.