Doug Kramer, ibinahagi ang cute na cute na throwback pictures ng kanyang mga anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin

Credit: Doug Kramer instagram

Sa Instagram post na ibinahagi ni Douglas Kramer ay masasaksihan kung gaano nagdalaga at nagbinata ang kanyang tatlong anak o ang mga Team Kramer Babies.
Sa mga unang picture ay makikita ang throwback photos ng tatlong Team Kramer Babies na sina Kendra, Scarlett, at Gavin. Mapapatunayan sa mga captured moments na ito na bata pa lamang sila ay taglay na nila ang kakulitan.

Credit: Doug Kramer instagram

forever! ❤️😍” ang tanong ng celebrity dad sa kanyang caption.
Makikita naman sa comment section ang iba’t ibang sagot ng mga netizens sa tanong ni Doug sa kanyang caption.

Credit: Doug Kramer instagram

Isa sa mga nagcomment ay ang isang tanyag na personalidad sa industriya ng showbiz na si Iya Villania-Arellano. “My fave memory was when I was holding baby Scarlet and Kendra was trying to choke her from the back 🤣🤣🤣 and then 2 months later found out Chex was preggy with Gavin 🤣🤣🤣” ang sabi ng celebrity mom ng Team Arellano.

 

Credit: Doug Kramer instagram

“Huhu… I miss them being little!!! 😭” dagdag pa nito sa pangalawa niyang comment. Marami ring nag-comment na mga netizens dahil kahit na hindi pa nila nami-meet ang pamilya ay nasusubaybayan naman nila ang mga ito sa iba’t ibang mga social networks. “Wine video of ken ken, and scarlett’s tulog tulugan hahaha” ang comment ng follower na may username na “@yayanmd”.

Credit: Doug Kramer instagram

“Gavin’s reaction when being force to hug her sister scar whenever they fight. Hehehe😂” ang sabi naman ng isa pang fan na may username na “@jmry.a”. Sa murang edad pa lamang nila ay nakilala na sila dahil sa hatid nilang goodvibes sa mga netizens. Ang tatlo ay laging present sa mga vlogs na mapapanood sa sariling Youtube channel ng kanilang pamilya na “Team Kramer”

Credit: Doug Kramer instagram

Sa mga naka-attach pang mga larawan ay makikita ang mga solo pictures ng tatlo kung saan talagang mapapatunayan ang kanilang paglaki sa paglipas ng panahon. Dalagang dalaga na ang panganay ng mga Kramer na si Kendra at ang pangalawang anak na si Scarlett. Ang kasalukuyan namang bunso sa pamilya ay tila isa nang binata.

Credit: Doug Kramer instagram

Matatandaang nang mag-guest ang mag-asawang Kramer sa isang show o interview sa GMA ay nabanggit nila ang plano nilang magkaroon pa ng isa pang anak. Kagustuhan rin ng tatlong Team Kramer Babies na magkaroon pa ng baby brother o sister.

Credit: Doug Kramer instagram

Ang Team Kramer ay kilala lalo na sa social media dahil sa mga videos na kanilang ibanabahagi sa publiko. Isa sila sa mga pamilyang sinusubayabayan at hinahangaan ng mga netizens.

Credit: Doug Kramer instagram