Doug Kramer, ibinahagi ang kanilang masayang bakasyon sa Amanpulo

Kamakailan- lamang ay ipinagdiwang ni Doug Kramer ang kanyang ika-38th birthday kasama ang kanyang pamilya sa isang resort sa Palawan.
Ibinahagi ng dating PBA star ang mga moments sa kanyang kaarawan kasama ang pamilya sa kanyang sariling Instagram account.

Credit: Doug Kramer instagram

Sa mga letratong ibinahagi nito ay makikita kung gaano nag- enjoy ang pamilyang Kramer habang naka- sakay sa isang yate at naka- babad sa napakagandang beach ng Amanpulo. Mapapansin din kung gaano ka- linaw ang tubig dagat at kung gaano ka- pino ang buhangin na ito.

Credit: Doug Kramer instagram

Kaya naman kahit sinong tao ay talagang mag-eenjoy sa view na hatid ng Amanpulo. Hindi lamang iyon dahil breath-taking din ang nasa malalim na bahagi nito dahil nagbahagi rin si Doug ng mga pictures habang sumisisid ang mga ito sa ilalim ng dagat.

Credit: Doug Kramer instagram

Ayon sa caption nito ay ang unang naging aktibidad nila sa araw na iyon ay ang pag- snorkeling kung saan na- enjoy ng mga ito ang pagsa-sight seeing sa mga iba’t ibang isda at sa isang malaking pagong na talagang kinagiliwan ng mga ito lalong- lalo na ang kanyang mga anak na masayang- masayang nagswimming kasama ang mga marine life.

Pagka-tapos mag- snorkeling ng mga ito ay pumunta sila sa dulo ng isla na tinatawag na sand bar kung saan sobrang pino ng buhangin nito.
“Then it started to rain and we still continued to swim and enjoy God’s beautiful paradise here! Heart is full! Thank you @amanpulo for a wonderful blessed birthday!” saad pa nito sa kanyang caption.

Credit: Doug Kramer instagram

Kahit na naabutan ang pamilyang Kramer ng ulan ay patuloy pa rin ang mga ito sa pag- enjoy at pag- appreciate ng magandang tanawin. Sino nga ba ang hindi mapapa- wow sa gandang hatid ng Amanpulo kaya naman hindi maipag- kakaila ang saya ni Doug at kanyang pamilya sa kaarawan nito.

Credit: Doug Kramer instagram

Makikita sa ibang post ni Doug sa kanyang Instagram account ay dumating siya kasama ang pamilya sa Amanpulo noong Biyernes, isang araw bago ang kanyang kaarawan at ibinahagi nito ang isang IGTV kung saan nagkaroon ito ng isang villa tour kung saan mag-stay ang kanyang pamilya.
Nabanggit din nito na ang pag-punta nila sa Amanpulo ay isang supresa nito para sa kanyang pamilya at hindi lamang dahil kaarawan nito.