EA Guzman, ikinuwento kung paano nagumpisa ang pag iibigan nila ng nobya na si Shaira Diaz

Sabi nila lahat daw tayo ay may isang taong nakatadhana para sa atin. Ang taong iyon ay ang nakalaan na makakasama natin habang buhay. Kaya naman, lahat tayo ay umaasa na makikita at matatagpuan natin ang taong magpapatibok ng ating mga puso.

Credit: Shaira Diaz instagram

Artista man o pang karaniwang tao ay talagang nararanasan nating lahat ang umibig at naghihintay ng tamang tao para sa atin.Iyan ang natagpuan na ng aktor na si Edgar Allan “EA” Guzman. Bagamat hindi niya ito agad isiniwalat sa publiko for privacy, ngayon sa kanyang vlog ay naibahagi na niya kung paano nga nagsimula ang kanilang pitong taon na relasyon ni Shaira Diaz.

Credit: Shaira Diaz instagram

Una daw magtagpo ang dalawa nang sumali si Shaira sa TV talent show na Artista Academy na umere noong 2012 at siya naman ay nag guest sa reality show na ito.Noong una, ay wala naman daw talagang sparks o kahit anong nararamdaman. Deadma pa nga daw talaga sa isa’t isa.

Credit: Shaira Diaz instagram

Hanggang sa may hindi siya makalimutan na pagkakataon kay Shaira.”Dumating na yung technical rehearsal tapos taping tapos sayaw kami. Si ate girl, first time niya mag top one sa isang live exam so sobrang saya niya. After the performance, sa backstage, baba ako balik ako sa standby area. Yakap siya (sa akin), ‘Thank you!’ gumanon so siyempre ako bilang lalake sabi ko,” kwento ni EA.

Credit: EA Guzman instagram

Tapos nun akala ni EA na yun na din ang last encounter nila sa isa’t isa. Hanggang sa muli silang pinagtagpo sa isang live mall show.Dito na nagsimula ang sparks at naranasan ni EA ang love at first sight na nakikita natin sa mga pelikula.

Source: EA Guzman Official Youtube

“Yung talagang napapa slo-mo at napapa-second look ka dun sa tao na hindi mo alam kung na-mesmerize ka sa kagandahan niya or kaguwapuhan niya. Na-experience ko po yun,” paliwanag niya.

Hanggang na realize ni EA na nasa harap na niya ang babaeng para sa kanya. Siyempre, gumawa na ng paraan si EA para maka konekta at makuha ang number ni Shaira.

Source: EA Guzman Official Youtube

“ Para hindi ako mahalata na may gusto na ako sa kanya, yung best friend niya nandun so linapitan ko. Kinuha ko number nung best friend niya para lang itanong sa best friend niya yung number niya. Kasi nung time na yun nahihiya ako tapos parang natotorpe ako,” pamamaraan ni EA.
At iyan ang naging simula ng pitong taon na matibay na samahan at relasyon nilang dalawa.