Elisse Joson at Mccoy De Leon ipinakilala na ang sobrang adorable nilang baby girl na si Felize

Kamusta na nga ba ang tambalang McLisse? Sila ang couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon. Matapos ang ilang panahon na walang masyadong update sa kanila, ngayon ay biglang lumabas ang big news tungkol sa kanila.

Credit: Elisse Joson Youtube

Lahat ay nagulat maging mga netizens at mga fans. Noong Linggo, ay pumasok silang dalawa sa PBB House at kinausap nila si Kuya.

Credit: Elisse Joson Youtube

Sa pangangamusta ni Kuya, nasabi nila na ngayon ay focus sila sa kanilang jewelry business. Kailangan daw kasi talagang kumayod para sa kanilang pamilya. Dito na naitanong ni kuya kung ano na nga ba ang estado nila ngayon. Masaya nilang ibinalita na mayroong bagong miyembro ng kanilang pamilya. Sila ay mayroon ng baby. At gusto pa nga nilang kunin na ninong si Kuya.

Credit: Elisse Joson Youtube

“Nagpapasalamat kami na makabalik ulit dito and i-share po sa inyo ang magandang balita po namin. Naisip po namin na dito po kami nagsimula sa bahay po ninyo and malaki po ang utang na loob po namin,” mensahe ni Elisse.

Credit: Elisse Joson Youtube

Sila ay parehong nanggaling na rin sa loob ng bahay ni kuya noon. Pumasok sila noong 3016 sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7”.

Sino ba ang hindi matutuwa sa big revelation na ito ni Mccoy at Elisse? Isang malaking blessing ito para sa kanila kaya naman tuwang tuwa ang mga netizens. Bumuhos ang mga komento at pagbati ng mga netizens sa kanilang dalawa.

Credit: Elisse Joson Youtube

“Congrats Daddy McCoy and Mommy Elisse!!! 😍😍😍 Best wishes for you all!!! 🤗🤗🤗”

Credit: Elisse Joson Youtube

“Congratulations to both of you! guys maging masaya nlang tayo sa kanila just support them wag na natin silang husgahan dahil kung meron man manghuhusga sa kanila ay ang Panginoon nayun Hindi tayo😊❤️”

“Congratulation to the both of you and God bless😇💕💕”

“Congrats naman Mahh fave Elisse and McCoy 💙💙💙”

Credit: Elisse Joson Youtube

“Congrats #mclisse A second time around of relationship is perfectly much sweeter and much healthy. 🥰”