Ellen Adarna, ibinahagi ang masayang pamamasyal nila ni Derek at Baby Elias sa Bataan

Matatandaang bago matapos ang buwan nang Marso ay ginvlat ng aktres na si Ellen Adarna at ng aktor na si Derek Ramsey ang mga netizens nang ibahagi nila sa publiko ang balitang engaged na ang mga ito.

Credit: Derek Ramsay instagram

Isang buwan matapos i-reveal ng dalawa ang kanilang relasyon, ibinahagi naman ni Ellen sa kanyang Instagram account ang mga touching scenes nang mag-propose ang aktor sa kanya.
Simula noon ay talagang bukas sa publiko ang kanilang relasyon dahil sa mga letratong laging ibinabahagi ng mga ito sa kani-kanilang mga social media accounts.

Credit: Derek Ramsay instagram

Hindi na rin bago sa mata ng mga netizens kung gaano ka-sweet ang mga ito sa isa’t isa lalo na at madalas umaani ng reaksiyon ang kanilang mga sweet na sweet na letrato. Makikita rin na parehong mayroong magagandang relasyon ang dalawa sa kani-kanilang mga anak sa dating naka-relasyon ng mga ito.

Credit: Derek Ramsay instagram

Kamakailan-lamang ay nagbahagi muli si Ellen sa kanyang Instagram account ng mga letrato ng naging pamamasyal ng kanilang pamilya sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort kasama ang kanyang fiancé na si Derek.

Credit: Ellen Adarna instagram

Sa mga letrato ay makikita kung gaano nag-eenjoy ang unico hijo ni Ellen sa naging bakasyon nila lalo na at nasa maaliwalas na lugar ang mga ito. Halatang-halata sa mga matatamis na ngiti ni Baby Elias na nagkakaroon ito ng masayang pamamasyal.

Credit: Ellen Adarna instagram

Siyempre hindi mawawala ang mga bonding moments nina Derek at ni Baby Elias na talagang nakaka-taba ng puso kung tignan. Makikita rin sa mga letratong ibinahagi ni Ellen na kasama nilang nagbakasyon ang mga magulang ni Derek pati na rin ang pamangkin ng aktor na si Elian.

Credit: Ellen Adarna instagram

Hindi lamang pala si Derek ang may malapit na relasyon sa anak ng aktres, dahil pati na rin ang mga magulang ni Derek ay talagang kinagigiliwan at tuwang-tuwa sa bata. Sino nga ba naman ang hindi matutuwa kung kasing cute at kulit ni Baby Elias ang makakasama ng mga ito sa kanilang bakasyon?

Credit: Ellen Adarna instagram

Hindi mawala-wala ang mga matatamis at magagandang ngiti sa labi ni Baby Elias dahil enjoy na enjoy talaga ito sa pamamasyal ng kanilang pamilya, idagdag mo pa na nagkaroon ito ng pagkakataon upang magpa-kain ng mga hayop na hindi nito madalas makita sa isang normal na araw.